19

148 2 0
                                    


"Mahal bakit? Anong nangyari?"



Tulala akong ibinaba ang phone ko ng matapos kaming mag usap ni Kuya Beain. Ramdam ko ang deretso na tingin at titig sakin ni Brent pero hindi ko man lang siya ngayon ganon na matignan. Sa wakas, makakamit na rin namin ang matagal na hustisyang hinahanap namin para kila Mama at Papa.



Sa patuloy ko na pag iisip tungkol roon, sa huli ay nakita ko na lang rin agad ang sarili ko na nakayakap kay Brent. Walang salita na namutawi sa bibig ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na unti-unti na rin agad na namumuo ang mga luhang gusto ng pumatak sa mga pisngi ko.



Dinig ko ang paulit-ulit na pagtatanong sakin ni Brent kung bakit habang hinahaplos niya ang likuran ko pero mas hinihigpitan ko lang ang yakap ko. Akala ko ay magtatanong pa siya ng iba roon pero hindi na. Nanatili na lang siyang pinapatahan ako.



"Nahanap na..." Mahina at halos ibulong ko na sabi sa kanya. Nagtanong din naman siya kaagad sakin kung tungkol saan ba iyon kaya sa huli ay lumayo ako ng yakap sa kanya para impit siya na bigyan ng tipid na ngiti. Kumilos din naman kaagad siya para punasan ang luha ko na patuloy pa rin sa pagtulo.



"Nahanap na ang mga tao na bumangga sa aksidenteng nangyari sa mga magulang ko." Sa wakas nasabi ko rin ang gusto ko na sabihin. Hindi siya nagsalita at napangiti lang sakin. Alam ko na masaya siya para sakin dahil sa tagal ng taon na nawala ng mga magulang ko, ngayon ay makakamit na namin ang hustisya na para sa kanila.



Kinabukasan, kahit na unang araw ko ulit bilang pahinga sa trabaho ko ay maaga akong gumising para pumunta sa bahay ni Kuya Beain. Eksakto rin kasi na wala siyang schedule mamaya sa trabaho niya kaya naman roon namin ilalaan ang pareho naming libre na oras para asikasuhin ang tungkol sa kaso nila Mama at Papa.



Niligpit ko muna rin sandali ang lahat ng ginamit namin ni Brent sa pagtulog. Maaga na umalis si Brent dahilan para hindi na kami makapag abot ulit. Nakita ko na lang din na may iniwan siya na sulat sa ibabaw ng side table kaya naman kinuha ko na lang yon para basahin. Napailing na lang rin ako at napangiti ng matapos.



Walang oras na hindi ko sinasayang ang oras dahil pagkatapos ko magligpit ay tumakbo na ako sunod sa luggage ko para buksan yon at pumili ng maisusuot ko. Mabuti na lang rin talaga at may ilang pares pa ako ng damit na naroon dahilan para may maisuot pa ako. Bago ako pumasok sa bathroom ay nag iwan na muna rin ako ng text message kay Kuya Beain para ipaalam sa kanya na pupunta ako sa bahay niya.



I just only wear a pair of black t-shirt  and tucked-in to my high waisted jeans. I also put my Chanel black leather belt. I put also some light blush on to my both cheeks as well as liptint. Habang ang buhok ko naman ay kinabitan ko na lang rin ng maliit na clip. Sinuot ko rin ang white rubber shoes ko so that it would complete my outfit.



Nang sa tingin ko ay okay na ang lahat sakin ay kinuha ko na at sinuot ang sling bag na dadalhin ko at sinarado na muna lahat ng kurtina sa loob ng kwarto ni Brent bago ako tuluyan na lumabas at umalis. I have also his swipe card kaya naman balak ko na rin na pumunta sa site niya mamaya para bisitahin na rin ang mga kaibigan namin.

The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now