R-18 read at your own risk."What would you like to drink? This or this one?"
Kanina pa ako kinukulit ni Brent sa pagpili ng alak na iinumin namin. Nag aya kasi siya dahil pareho naman raw kaming walang schedule this week. Paano gumaya siya sakin na mag take muna ng leave sa trabaho. Bukod roon, sinisimulan na namin planuhin ang lahat para sa future namin.
"Kahit ano na lang jan, pare pareho lang naman yata yan." Ngumuso ako ng iangat ko ang paningin ko sa kanya. Humarang kasi siya sa pinapanuod ko at harapan ko. Hinawi at tinulak ko naman din siya kaagad dahil ayoko ma-miss yung episode nung pinapanuod ko.
"Sigurado ka? Okay sige, Buksan ko na to." Pagpapaalam pa niya sakin bago siya lumakad para pumunta sa kusina. Hindi naman na ako nagulat pa nung pagbalik niya, may dala dala na rin siyang mga snacks na nakaipit sa braso niya pati na yung pizza na inorder at pina deliver niya kanina.
Umupo na siya sa tabi ko at pagkatapos non mabilis niya na pinatong sa likod ng sofa ang braso niya para akbayan ako. Yes. Nagiging extra sweet nanaman siya sakin. Kaya minsan hindi ko na rin talaga maiwasan kung normal lang ba niya yon na ginagawa sakin o baka may kasalanan na pala siyang nagawa. Kaya sa gano'ng paraan niya ako nilalambing.
Hiniga ko naman ang ulo ko sa balikat niya. We stayed like that. Pinaabot ko at inutos ko lang din sa kanya na lagyan na ng alak yung mga baso namin. Ganon din naman kasi kapag mamaya pa kami nagsimula. Wala namang pinagkaiba.
Hindi ko maiwasan ang maging maingay kapag may nakakatawa na scenario sa pinapanuod ko. Kaya ramdam ko ang tingin kaagad sakin ni Brent na sa huli ay napapangiti na lang rin sakin. Pinipisil pisil pa nga niya ang pisngi ko!
Lumingon ako sa kanya at pabiro ko din na ginantihan siya. Pinindot ko ng sandali ang tungko ng ilong niya bago ako ngumiti. "Tuwang-tuwa ka nanaman sakin,"
"Tss! Sino ba naman ang hindi matutuwa? Kung ikaw ang kaharap?" Ganti naman din niya agad. Ganon na lang rin niya dinikit ng husto ang tungko ng ilong niya sa ilong ko. Kaya naman sa huli, para kaming mga siraulo roon habang nakangiti sa isa't-isa!
"Maharot ka ah?" Tumatawa na sabi ko.
"At least sayo lang," He winked at me and kiss the top of my head. "Sayo lang babayo."
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa balikat niya. Kahit kailan talaga siya!
"Siraulo!" Sabi ko lang din bago ko pairap na inalis ang tingin ko sa kanya. Pilit ko na tinatago ang mga ngiti sa labi ko na gustong kumawala.
Paano kasi kahit maliit lang na bagay ang gawin niya para sakin, napakalaki na agad non na impact sakin. Kumbaga sa pamamagitan non, mabilis ko nararamdaman yung kilig sa loob loob ko.
"Love," Tawag niya sakin nang matahimik na ulit ako habang tutok na tutok ako sa pinanunuod namin. Sobrang ganda kasi! Humiga na rin ako sa hita niya dahil nangangalay na ako sa kakaupo. "Love," Kalabit niya pa ulit sa baba ko.
"Hm?" Tahimik na imik pabalik ko. "Bakit nawawala ka ba?" Pambibiro ko at tumawa.
"Ano gusto mo girl o boy?" Hindi ko inaasahan na tanong niya bigla! Mabuti na lang din talaga at wala pa ulit akong kinakain na kung ano! Dahil kung hindi, nabuga ko na yon sa ere.
Umayos ako ng higa ko at tiningala siya para salubungin ang tingin niya. Tahimik lang siya habang abala pa rin ang kamay niya sa baba ko at inaantay ako na sagutin ang tanong niya.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.