"I
"heard what happened to you yesterday night, How do feel right now? Are you okay?"
Gulong gulo ako at tahimik lang na nakatingin kay Vaughn na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng kama ko. Pinuntahan niya kasi ako sa dorm ko pero hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya nung tungkol sa nangyari sa akin nung nakaraang araw.
Pasado alas onse pa lang din ng masilip ko ang oras sa relo ko kaya ganon na lang akong magtaka sa kanya. Gusto kong tumawa ng hindi ko sinadyang mapalingon na lang din kaagad ako sa hawak niyang isang basket ng prutas! Aba loko to ah! Parang sinasabi na niya na talagang pasyente ako ah?!
Pabuntong hininga niya na nilapag iyon sa ibabaw ng side table ng kama ko at kumuha ng isang ponkan. Pagkatapos ay mabilis niya iyon na inabot sakin. Nang hindi ko kunin yon, walang paalam na lang din niya na kinuha ang kamay ko at inilagay yon roon. "Kailangan mo kumain."
Sa huli, wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Tahimik ko na kinain at nginuya ang ponkan pero kasabay non, bigla na lang akong hindi mapakali sa hindi ko malaman na dahilan.
Da pag aabala ko sa pag iisip tungkol doon, halos magulat na lang rin kaagad ako ng paglingon ko kay Vaughn, may dala dala na siya ngayon na maliit na planggana! Nilapag niya lang din yon sa tabi ng basket at pagkatapos ay sinimulan na niyang itiklop ang magkabilang sleeves ng kanyang polo.
"Anong ginagawa mo?" Nagtataka na tanong ko sa kanya.
"Seriously?" Bahagya niya akong tinaasan ng kilay pagkatapos ay saglit na tumawa. Habang abala na niyang hawak hawak ang isang bimpo na katatapos niya lang din na pigain. "You don't want to recover fast?"
"Syempre gusto!" Agad na sagot ko din sa kanya.
"Good girl!" Hinawakan niya ang ulo ko at pagkatapos ay sinimulan na niyang tanggalin ang benda na nakalagay sa paa ko.
Tahimik lang ang buong paligid naming dalawa ng simulan niya na gamutin ang paa ko. Hindi kasi tulad nung mga nakaraang araw, medyo nag lighten na ulit yon ng kaonti at nawala na ang pagka kulay violet. Pero kahit na ganunpaman, hindi pa rin nawawala roon ang sakit lalo na kapag nagalaw ko lang ng kaonti.
"How bad I am that I couldn't realizing that you're already in the middle of pain when we were both talking into the phone that night." He scoffed as he finished what he eas doing to me. Tumayo siya at pagkatapos ay deretso pa rin na nakatingin sakin. "Sa susunod mag ingat ka na ah?"
Tumango ako at tipid siyang ginawaran ng ngiti. "Yeah, Salamat ulit."
"Sige na, magpahinga ka na muna jan. Labas lang muna rin ako para bumili ng pagkain." Nakangiting paalam niya. Pagkatapos ay tumalikod na siya sakin bitbit ang isang planggana na may tubig maging ang ice bag.
Nalipat at naalis lang ang atensyon ko sa pinto ng maramdaman ko ang sunod sunod na pagtunog ng phone ko na nasa ilalim ng unan ko. Pagbukas ko ng screen, it was so many random messages coming from Sam, Chandria, Aiofe. Meron pa roon na nanggaling sa online shippings na hindi ko alam na ngayon din pala ang dating. Pero wala ang lahat ng iyon ng mapukaw ng mga mata ko at makita ang messages ni Brent.
From: Brent
How are you? Are you doing well?
Pagkatapos ay binuksan ko rin ang sunod niya na message.
From: Brent
Sorry If I couldn't stay in touch with you for a while. I was still busy to complete and meet all the requirements for the finals. Hope that you're doing fine. :)
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
Roman d'amourFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.