"Pwede bang maiwanan ko muna kayo sandali? Kailangan ko lang pumunta sa comfort room."
Mahinahon at nanantansa na tanong ko kila Aiofe ng lumabas na ang prof namin sa second subject. Patago ko na kinikiskis sa ilalim ng mesa ko ang mga kamay ko at nananalangin na sana hindi nila mapansin yon. Halos nakakalahati na kasi sila ng lesson kanina sa first subject ng makapasok ako. Akala ko nga ay hindi maniniwala sakin ang professor ko maging sila Samantha sa alibi na ginawa ko. Pero, laking pasasalamat ko ng maniwala din naman sila roon.
"Sige lang, we will wait you naman." Si Aiofe lang ang sumagot sakin. Nagsusulat pa kasi ang iba ng notes at ako naman ay tapos na kaya naiintindihan ko sila.
Tumayo na ako at binigyan siya ng tipid na ngiti bago ako tuluyan na lumabas ng room. Iniwanan ko muna din ang bag ko sa kanila dahil alam ko naman na hanggang mamaya pa kami roon dahil sa haba ng topic na diniscuss kanina ng prof namin. Habang naglalakad ako, tahimik ko na lang rin na hinanap kaagad ang comfort room kaso yon nga lang, hindi ko aakalain na mapupuno yon ngayon ng estudyante. Kaya sa huli, ay naghanap na lang ulit ako ng comfort room hanggang sa may nakita ako na wala masyadong tao.
Hindi ko na nakuha pa na pansinin din ang course department building na nasasakupan non at mabilis na akong pumasok dahil ramdam ko na agad ang pangangatog ng pantog ko. Nang matapos ako roon ay nag retouch na rin ako. Naglagay lang ako ng kaonting liptint dahil yon lang naman ang mabilis na mawala sa labi ko. Sunod ay hinaplos haplos ko ang ulo ko para ayusin dahil napansin ko na may nakatayo na mga baby hair. Agad din akong natigilan ng mag flashback sakin yung nangyari kanina sa parking lot.
"Anong... Bakit ka ngumingiti Beatriz?" Takang tanong ko rin agad sa sarili ko ng mahuli ko na bigla na lang sumisilay ng ngiti ang labi ko! "Wag kang ganyan Beatriz!"
Pagkatapos non, daretso na rin akong lumabas para sana bumalik sa room pero hindi na natuloy ng bigla na lang may humarang sa harapan ko! Dahilan para muntikan na akong mauntog sa dibdib niya!
"What the..." Gulat akong napahawak at napatakip sa bibig ko ng pag angat ko ng ulo ko, siya nanaman!
Pucha! Don't tell me na yung course department na napuntahan ko... Dahan dahan akong kumilos para ialis sandali sa kanya ang paningin ko bago ako sumilip sa hallway na nasa likuran niya para tignan ang nakasulat na department roon. Halos mapakagat na lang rin kaagad ako ng mariin sa labi ko ng makita ko na department na pala nila ang napuntahan ko!
Paano nangyari yon?! Paano ako nakarating sa department building nila ng hindi ko alam? Nakakahiya! Baka mamaya kung ano pang isipin niya!
"You did not inform me, na dito pala sa building namin ang extension ng comfort room ninyo." Bungad na sabi ni Brent sakin. Nandoon na kaagad ang tono ng pang aasar. Bahagya at patago pa niya na kinagat ang pang ilalim na labi niya para mapigil yon sa pag ngiti.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
عاطفيةFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.