"Hoy ang daya ninyong dalawa! Tropa ba talaga namin kayo?"Nakangiti at tawang tawa kami pare-pareho ng mga boys sa mga kaibigan ko na babae ng halos mag maktol sila ngayon dahil sa nalaman na nila ang tunay na meron sa amin ni Brent. Lalong lalo na kay Yvette na kay Chandria na bumiyahe pabalik para lang dumalo sa kasal ni Aiofe.
Hindi ko alam kung ayos na ba sila ni Aiden dahil kanina habang nasa simbahan pa lang ay tahimik lang ako na inoobserbahan silang dalawa. I was also talk about her earlier about her studies in abroad and what kind of living she had there. Sinabi naman niya sakin na okay naman daw siya at parang mas gusto na lang niya doon manatili for good.
As usual, we were all sitting into one long table pero ang ayos at katabi namin lahat ay mga jowa namin. Puwera lang sa dalawa na aso't pusa ng barkada at sa dalawa pa na hindi talaga namin alam kung ano na ang topak nila. Si Brent ang katabi ko habang sa kabila naman niya ay si Samantha na katabi rin si Gaviniel.
"Sorry, tao lang din kami." Presko at cool na sagot naman din agad ni Brent kay Chandria ng ayaw talaga nito tumigil sa pagmamaktol. Kesyo madaya raw kami at parang hindi namin sila kabarkada. "Saka isa pa, sinunod ko lang naman ang gusto ng prinsesa ko. Hindi ba?"
"Tss! Para kang siraulo!" Pabiro ko na nilayo din agad ang mukha niya sakin. Dahilan para mapuno naman agad kami ng ugong at mga tili nila.
"Boom! Tanggal angas!" Tumatawa at nang aasar na singit naman ni Gaviniel sakin. Umakto pa siya na tinuturo turo niya ako habang nagkakanda hirap hirap na rin siya sa kabilang banda na patigilin ang sarili niya.
Pare pareho silang magba barkada nila Tyler. Ang hilig mantrip!
"Grabe lang, hindi ko ma imagine na magugustuhan mo pala Brent ang Baby ng grupo namin." Umiiling iling habang nakangiti na pinapalipat lipat ni Gianna ang paningin niya sa amin ni Brent. Habang hawak hawak niya ang baso niyang may laman na alak. Ayan nanaman siya sa paganyan ganyan niya!
"Bakit ano ba sa tingin mo ang mga hanap ko?" Mahinahon na pagdepensa naman din agad ni Brent sa kanya. Tahimik lang na nakapulupot din ang braso niya sa likuran ko habang isa isa niya na tinitignan ang mga kaibigan namin. Ramdam ko rin ang pag aayos niya sa gown ko kapag nawawala na yon sa ayos.
"Wala lang, bali balita ko kasi noon na ang mga hanap mo ay mga babaeng club at hindi tulad ni Bea." Lumingon siya sandali din kay Tyler pagkatapos niyon. Hindi ko alam kung para saan ba yon pero halos parang gusto ko na lang humalakhak din ng malakas nang mahagip ng mga mata ko kung papaano sila mag gantihan na dalawa gamit lang ang mga mata nilang pareho.
"Ay laglagan na pala ito?" Pagpaparinig naman din agad ni Aiofe. Nang lingunin ko siya, tulad ko ay kanina pa rin pala niya napapansin ang ginagawa ng dalawa. Nakangisi siya na pinapalipat lipat ang paningin sa mga ito.
Sa hindi sinasadya rin tuloy, ganon na lang akong napatingin sa tiyan niya na halos ang laki na rin. Nanatili lang ako na nakatingin roon hanggang sa hindi ko na lang rin namalayan ang sarili ko na napapangiti dahil doon. Tumigil lang ako at inalis ang paningin ko doon ng maramdaman ko na ipatong ni Brent ang ulo niya sa balikat ko.
"Anong tinitignan mo jan?" Malambing niya na tanong.
"Yung anak nila Aiofe at Carlton."
Ramdam ko na nag iba na agad ang ihip ng hininga niya sa leeg ko. Kaya naman mabilis ko na hinampas siya sa hita niya. Umaandar nanaman kasi yung kapilyuhan niya!
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomantikFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.