7

143 4 0
                                    

"Ito isuot mo mamaya ah? Wag kang magpaka maria clara dito dahil hindi yon uso dito." 


Bato sakin ni Aiofe ng isang set ng two piece na bikini. Kulay puti iyon na sobrang nipis lang ng strap. Nagkataon kasi na pagkapasok ko sa room na tinext sakin ni Samantha ay naroon si Aiofe na abalang abala sa pagsusukat ng iba pang mga bikini. So yon pala yung laman ng bag niya? Grabe! 



"Baki-"


"Wag ka ng magreklamo pa at isukat mo na yan." Pagputol niya naman din kaagad sakin. Tumalikod rin siya at humarap sakin dahilan para mapalunok na lang ako kasabay ng paglapag ko sa bag na bitbit ko. 



Hindi ko alam pero nang itaas ko at iladlad yung bikini na yon na binigay niya sakin ay wala sa sariling napakagat na kaagad ako sa pang ilalim na labi ko. Sa totoo lang, hindi ko kasi talaga maimagine yung sarili ko na magsuot ng ganon at kahit kailan hindi pa man pumasok sa isip ko na magsuot ng gano'ng klaseng pang swimming.




"Yan na ba yung susuotin mo mamaya Lexine?" Awtomatikong naialis ko saglit ang paningin ko sa hawak ko at lumingon sa gawi ng pintuan ng marinig ko ang boses ni Gianna na kakapasok pasok lang. Nang mapansin niya ako ay kaagad niya rin akong nginitian at lumapit palapit sa pwesto ko. Napatakip siya sa bibig niya ng ganon na lang rin niya kaagad na makita ang hawak hawak ko. Hindi yata ganon na makapaniwala. Well, same lang naman kami dahil ako mismo hindi ko rin nai imagine ang sarili ko na nakasuot yon sakin.




Alam ko naman na nasa college na ako at hindi na ako bata pa para hindi magsuot ng mga ganon pero as much as na iniisip ko ang tungkol sa pagsusuot non, bigla na lang akong napanghihinaan kaagad ng loob. Siguro dahil sa hindi nga ako ganon kasanay na magsuot ng ganon at lagi lang akong nag stay sa pagsusuot ng rush guards at mga mahahabang damit.




"Oo maganda naman di ba?" Umiikot ikot at tuwang tuwa na sagot naman din kaagad ni Aiofe kay Gianna. Talagang suot na kasi niya ngayon yung bikini na gagamitin niya kahit na mamaya pa naman raw talaga kami lalabas para makapag relax ng husto sabi ni Chandria.




"Oo na, palagi ka namang maganda sa sinusuot mo eh." Tanging sagot na lang rin kaagad ni Gianna at tamad na inalis ang paningin sakin para lingunin ito. "Pero mas maganda sana kung papatungan mo yan ng cover-up."




"Bakit sino bang may sabi sayo na lalabas ako mamaya ng naka ganito lang? No way no! Talagang magsusuot ako non mamaya dahil ayokong malaman ni Aurelie na hindi ako nagsusuot ng ganon. Mayayari ako kila daddy at mommy." Mahabang pagpapaliwanag ni Aiofe.




Para mas makapag usap pa sila ni Gianna ng maayos ay nagpasya na lang rin akong tumayo na muna at iwanan silang dalawa roon. Dala ang kaninang bigay ni Aiofe sakin ay naglakad na ako papunta sa bathroom para magpalit ng suot ko. Kaso yon nga lang, hindi ko alam na ganon na lang din kaagad kaganda ang bubungad sakin pagkapasok ko roon.



Halos manlaki ang mga mata ko at ganon na lang na maghalo sa loob ko ang excitement ng makita ko ang nagsisigandahang disenyo ng bathroom. Mula kasi sa mga pader niyon ay puro halos tiles na kulay kahoy ang nakakabit. Sa sink naman ay napakalinis niyon at sobrang puti may mga halaman din roon na maliliit pero mas pumukaw sakin ang napakaganda at linis niyon na salamin.



Para siyang classic bathroom kung tignan lalo na't maging ang bathtub na naroon ay kulay kahoy na kasalukuyan na ring naglalaman ng tubig na may mga rose petals. Nakakatuwa lang din isipin dahil mula roon ay halos puro magagandang tanawin ang pwede kong makita.



"Bea? Are you done changing your clothes? we're all about to eat na." Awtomatikong nalipat sa pintuan kaagad ang paningin ko ng marinig ko na kumatok si Yvette.



The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now