"Love, masasamahan mo ba akong mag apply mamaya?"
Mahinahon at tahimik ko na kinakagat palihim ang isang daliri ko habang kausap ko ngayon si Brent sa phone. Sa ilang buwan ko na kasing nagpapasa ng mga resume ko sa iba't-ibang airlines company, kagabi lang ako ulit may na receive na text mula sa mga ito at interview ko na rin kaagad. Idagdag pa sa ngayon na siya na ang pinaka last na pwede kong matawagan dahil halos lahat ng mga kaibigan ko na sila Aiofe ay puro nakapatay ang mga phone! Ni hindi ko alam kung saang lupalop nanaman ba sila naroon.
Nang hindi ko marinig ang boses ni Brent na magsalita ay kaagad na rin na pumasok sa isip ko ang usually niya na ginagawa for these few months. Ang pagrereview niya for taking his board exams. Napatingin naman na rin ulit ako sa katabi ko na si Brethanie ng maramdaman ko na palihim niyang tusukin ang tagiliran ko. At kahit hindi siya magsalita ay alam ko na nagtatanong na siya sakin.
"Walang sagot," Bahagya na sagot ko sa kanya kasabay ng paglayo ko sandali ng phone sa tainga ko at malalim na nagpakawala ng isang buntong hininga. Pero hindi naman ibig sabihin non ay nagagalit na kaagad ako sa kanya. I do respect his own time dahil alam ko naman na hindi lang dapat sakin umikot ang mundo niya. Tumango lang siya sakin bilang sagot bago dahan dahan na bumalik rin kaagad sa ginagawa niya. Kaya naman inilapit ko na rin ulit ang phone sa tainga ko para pakinggan kung nandoon pa ba si Brent o wala na.
[What time?] Bungad na sagot niyang narinig ko. Ganon ko na lang rin narinig sa background niya na para bang may sinosolve siya na math problem dahil may binubulong siya na mahina although hindi ko naman din yon ganon na maintindihan. [Love,]
"Oh? wait titignan ko," Nagmamadali na akong kumilos din kaagad para ibaba sandali ang phone ko at ipunta yon sa message bago ko ulit yon inilapit sa tainga ko sa pangalawang pagkakataon. "2 PM in pasay office daw."
[Okay! got it love, tapusin ko lang din tong nirereview ko for the whole day.] Bahagya na nanlaki ang mga mata ko at akmang magsasalita pa sana ulit ako ng bigla na lang niya na patayin ang tawag. Kaya sa huli wala tuloy sa sariling nagugulat at natutula akong ibinaba ang phone ko. Halos hindi ako makapaniwala at para bang ganon na lang rin kaagad tuloy akong nakonsensya.
Sa huli, hindi ko na din inubos at sinayang pa ang oras ko sa kung saan. Mabilis na akong tumayo din sa kinauupuan ko at pansamantala na iniwanan ang phone ko sa ibabaw sa tabi ni Brethanie. Nung nakaraan pa kasi ako lumipat sa bahay ni Kuya Beain kaya naman tulad ng dati, nagkakasama na ulit kami palagi. Iniwanan ko na muna rin siya doon sa sala bago ako pumasok sa kwarto ko at ihanda ang lahat ng gagamitin ko.
I just wear a pair of white blouse and black pencil skirt together with my two-inch black heels. Hindi ko muna sinuot ang coat ko dahil mainit kaya naman hinayaan ko na lang muna yon na ilapag sa kama. Kinuha at sinimulan ko na rin na ayusan ang sarili ko ganon rin ang buhok ko na ibi-nun ko para sa proper grooming thing. I put also make up but not that too much yung tama lang. Nang sa tingin ko ay okay na ang lahat sakin ay saka lang ako lumabas ng kwarto bitbit ang isang folder kung saan doon lahat nakalagay ang mga iba ko pang requirements. Ganon rin ang maliit ko na shoulder bag at coat.
"Bretha-"
"Ang tagal mo naman.." Agad akong natigilan sa pagsasalita ko ng pag angat ko ng ulo ko ay eksaktong naroon na si Brent. Prente lang siya na nakatayo at nakasandal sa gilid ng pader na hindi malayo sa divider namin habang nakataas rin ang kaliwa niyang paa ng tumingin sakin. Nakita ko pa na laro laruin niya ang susi ng sasakyan niya dahilan para wala sa sariling ngumiti ako palapit sa kanya.
"Kanina ka pa ba jan?" Niyakap ko din agad siya ng mahigpit pagkatapos ay humiwalay ako para bigyan siya ng matamis na halik sa kanyang labi na siyang hindi niya aakalain. Matunog akong tumawa ng makita ko sa mukha niya ang hustong gulat at tumingin sa gawi ni Brethanie na kasalukuyan naman na ngayong abala sa panunuod ng mga kpop sa laptop. Mukhang natapos na niya siguro ang ginagawa niya kaya ganon.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.