[Beatriz where are you?]
Naiilang akong inalis sandali ang paningin ko kay Brent at inilipat yon sa rear mirror sa labas ng sagutin ko ang tawag ni Tita. Kasalukuyan na kasi kami ngayong bumabiyahe papunta sa coffee shop dahil gusto ni Brent na ihatid niya ako kahit na sinabi ko naman sa kanya na kahit hanggang doon na lang niya ako ihatid sa sakayan.
"On the way na po ako Tita. Bakit po? Sobrang dami na po ba ng customer?" Tanong ko naman din kaagad sa kanya. Sinandal ko lang rin muna sa may bintana ang siko ko at sa ganong posisyon ako nakipag usap.
[Hindi naman pero kasi hindi mo na muna kailangan pumasok sa trabaho.]
Gulong gulo at ganon na lang akong napaayos kaagad sa kinauupuan ko matapos yon marinig. Nangunot ang noo ko. Ano raw? Bakit naman? Anong meron? Hindi ba ayaw niya ng hindi ako pumapasok sa trabaho? Lalo na kapag wala naman akong rason. Kaya bakit?
Malalim akong napabuntong hininga at napahilot sandali sa sentido ko. Pilit ko na iniisip ang tungkol roon.
"Bakit naman po Tita?" Naihawak ko sa ilalim ng baba ko ang isang daliri ko at sunod na sumandal sa kinauupuan ko bago yumuko.
[Pumunta kasi rito kanina ang Kuya Beain mo.] Panimula niya kasabay rin ng pagpapakawala niya ng buntong hininga. May narinig din akong kaluskos kaya in-assume ko na din na may ginagawa siya at pinagkakaabalahan. [Sinabi niya sakin na huwag na raw muna kita papasukin ngayon at samahan mo na lang muna siya na ihatid ang lola ninyo sa probinsya.]
"Ano po? Bakit naman po biglaan?" Nakakunot na ang noo ko.
[Yon ang hindi ko alam Bea. Kaya kung ako sayo dumaretso ka na roon sa bahay ninyo at naghihintay na raw sila.]
"Okay po sige po Tita maraming salamat."
Lumingon kaagad ako kay Brent pagkatapos ko maibaba ang phone ko dahilan para masalubong ko ang tingin niyang daretso ng nakatuon sakin. Doon ko lang rin na realize na naipit na pala kami sa traffic. Kasakulukuyan na nakapatong lang sa manibela ang kaliwa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa gear.
"Anong problema?" Tanong niya. Sunod ay tinaas niya ang kaliwa niyang kilay. Halatang ganon na lang rin niya kaagad na binabasa kung ano ang mga nasa mata ko.
"Ano..." Malalim akong napabuntong hininga at sumandal ulit sa kinauupuan ko. Mabilis ko na iniwas ang paningin ko sa kanya sabay ayos ko sa mini aircon na nasa harapan ko. "Ibaba mo na lang ako sa may sakayan pauwi sa amin."
"Hindi ka na tutuloy sa coffee shop?" Tanong niya ulit sakin. Nang hindi na ako magsalita ay narinig ko na lang siya na bumuntong hininga rin at sunod na magmaneho na ulit. Dahil sa tahimik lang din ang loob ng sasakyan, hindi na ako nagulat ng buksan niya ang mini radio niya at magpa sounds doon ng random songs. "Hindi na, ihahatid na kita mismo sa inyo."
Tulad nga ng sinabi niya sakin, talaga ngang inihatid niya ako sa mismong bahay namin. Gumamit pa siya ng waze app para lang makarating kaagad kami. Pero dahil sa biglaang pagbagsak ng ulan, hindi rin kaagad ako ganon na nakababa. Wala rin naman kasi akong payong na naidala dahil sa pagmamadali kong umalis. Kaya sa huli, nilabas ko na lang ulit ang phone ko para i-inform si Kuya na nasa labas na ako ng bahay.
From: Kuya Kae
Kaaalis alis lang namin ni Lola para ihatid na siya sa probinsya. Wag ka ng sumunod hintayin nyo na lang ako ni Brethanie na makabalik mamaya.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomanceFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.