"You want some more of it?"I stopped thinking and looking at Gianna. She was handed a liquor and mini cup while smiling. Kanina pa kasi natapos ang birthday celebration ni Byllie kaya naman ganon na lang kalakas ang loob niyang mag aya ng paulit ulit para uminom. Pinasok na din naman muna ni Kuya Beain si Bryllie dahil nakatulog na ito dahil raw yata sa pagod nito na makipaglaro ng husto sa mga kaklase at bisita niya.
I shake my head and just giving her a small smile. I raised also my hand a bit to tell her that I don't like and I'm not in the mood to drink. Paano naman kasi nung last na uminom ako kasama ang mga kaibigan ko halos hindi na ako makauwi sa condo ko ng maayos. Mabuti na nga lang din at napuntahan ako ni Yvette that night.
"Why? You're now adult naman na so why you avoiding this?" Ngumisi siya sakin labas ang ngipin. Hindi ko tuloy alam kung okay pa ba siya o lasing na. "Ah, alam ko na!" She giggled a bit before looking into somewhere which made me upset a bit. Kanina ko pa din kasi siya napapansin na tingin ng tingin roon. Ano bang meron doon?
When I realized who she was looking at, pabiro ko siyang hinampas at inirapan bago ko muling ipinagpatuloy na ubusin ang salad na kinakain ko. "We're both okay girl. Ano bang iniisip mo jan?"
"Really?" Pangungulit niya ng ibalik ang paningin sakin. Mabilis naman din akong tumango tango sa kanya para hindi na niya ako guluhin at tantanan na. Kahit na sa totoo lang din ay gusto ko ng sabihin sa kanila na may namagitan sa amin ni Brent.
Yeah, It's been years na ang nakalipas pero hindi ko pa rin naisip na sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol roon. Hindi ko alam kung bakit. Kahit na alam ko naman na hindi sila magagalit sakin. Ewan ko, siguro dahil sa katotohanan na lang din na hindi ko ugali na ipagsabi o ipagkalat ang tungkol sa mga ganon kahit na kanino.
"Oo naman!" I faked my smile and force myself to be okay in front of Gianna. Hindi niya ako pwede makita na malungkot dahil alam ko na kahit hindi ko sabihin ay kaagad niya din yon na sasabihin kila Sam. Ayoko ng ganon. Mas mabuti ng ako na lang maka witness non kaysa idamay ko pa sila at makadagdag pa sa mga problema na meron sila.
"Eh ano yung sinasabi sakin ni Yvette last week?" Nagtatakang tanong niya sakin. I raise my brows a bit on her and widening my eyes when I realized what she was talking about.
"Ahah! Ayon ba?" Kinamot ko ng mabagal ang batok ko bago napalunok ng mabilis. "Wala yon, okay kami ni Brent siguro dala lang ng pagod naming pareho. Siya sa trabaho ako naman sa kakaayos sa condo nung gabi na yon." Pagpapalusot ko na lang din.
"Ah ganon ba?" Sagot naman din niya kaagad sakin. Mukha pa nga siyang hindi kumbinsido sa sinabi ko pero sa huli ay nginitian na lang din niya ako bago siya ulit naglagay ng alak sa baso niya. Siya lang ang tanging may hawak non kanina pa kaya naman hindi na ako magtataka kung hanggang mamaya lang din ay bigla na lang siyang matutumba.
"Oo yon yun." Minsan ko pa siya ulit na nginitian bago ako tumingin sandali sa relo ko. Alas nuwebe na pala kaagad ng gabi. Hindi ko na namalayan. Tumayo na muna rin ako para kunin at dalhin ang plato ko. Nagpaalam at sandali ko na muna din siyang iniwanan roon para kumuha ng pasta.
"Yeah, he's so good to me. He appreciate all the things I did for him."
Hindi ko sinasadya na makinig sa usapan ng iba pero palihim akong napatingin sa direksyon kung saan yon nanggagaling. I letting out a sigh when I saw the girl earlier who was with Brent. She was so talkative like she was already know the people around at her. Brent wasn't also there so I probably thinking that he might excuse himself for a while. Hula ko lang.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomansaFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.