3

180 4 0
                                    


"Tititigan mo na lang ba ako?"


Mas mabilis pa sa alas singko imedya ang pag iwas ko ng tingin sa lalaking kaharap ko ng mahuli niya akong nakatingin pa rin sa kanya. Hindi ako nagsalita at tahimik lang na pinagmasdan ang bigay niyang pagkain sakin na hindi ko pa rin naman nagagalaw at nabubuksan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako ganon na makapaniwala sa mga nangyayari.



Ang daming tumatakbo sa isip ko at mga tanong kung bakit at sa paanong paraan sila naging magkakilala ni Yvette. Pero what if kung... what if kung magpinsan pala sila sa isang side ng pareho na magulang nila?

Umiling ako at sandali na pinaalis din iyon sa utak ko. Hindi eh! Hindi!


"Hoy Miss? Kung inumin mo na muna kaya ito?"


Tulad kanina, nagugulat nanaman akong tumingin sa lalaki. Nakataas na ang isa niyang kilay ngayon habang nakapatong naman ang siko niya sa pinaka mesa. Sa daliri naman niya ay kasalukuyang  naroon ang isang paracetamol na binili niya kanina para sakin kasabay ng kanyang pangisi.


"U-uh," Napakamot ako sa ulo ko at wala sa sariling inayos ang hibla ng buhok ko para isampay iyon sa gilid ng tainga ko. Sunod ay nilabas ko rin agad ang salamin na baon ko para tignan at kumpirmahin ang itsura ko kung talaga bang namumutla na ako. "Putcha.." 


"Nangangalay na ako ah?" Dinig ko na angal ng sabi ulit nung lalaki. Kaya naman walang lingunan ko ng kinuha na iyon sa kamay niya at binuksan. Narinig ko pa na tumawa siya sandali bago niya inalis ang paningin niya sakin at ipagpatuloy muli ang kanyang pagkain.


"T-thank you..." Nautal na sabi ko naman nang humarap na ako sa kanya. Habang dahan dahan ko rin na tinatakpan ang  bote ng tubig na hawak ko.


"Tss! Ang cute mo rin eh no?" Biglang sagot niya! Nang hindi nakatingin sakin. Nakita at napansin ko rin na tumaas ng kaonti ang gilid ng kanyang labi. "So, ano nga pala yung sinasabi sakin ni Yvette kanina na kailangan mo raw ng tulong?"


Napalunok ako at hindi nanaman ganon na nakapagsalita kaagad. Dahan dahan at mabagal ko na nakagat ang pang ilalim ko na labi bago sunod na yumuko para tumingin sa mesa. Hindi ko alam pero sa lahat lahat yata ng sobra ko ng nakakahiyaan na gawin, ito na yata yon ang makakausap ng lalaki.


Gusto ko man na ibuka ang bibig ko para sagutin ang tanong niya pero hindi ko magawa dahil parang ganon na lang kaagad na may pumipigil sakin. Isabay pa yung mga bagay na hindi ko alam kung tama pa ba na isipin ko o hindi.


"Okay sige, Dahil mukhang iniisip mo pa.. bigyan kita ng oras. Kakain muna ako rito." Dinig ko na sabi ulit ng lalaki na ngayon ay kasama ko at katabi ko.


"Nakakahiya man sabihin pero..." Nag angat ako ng ulo at sinalubong ang gawi niya kung saan siya naman ay daretso lang na nakatingin sa labas at abalang ngumunguya ng pagkain. Nakapatong ang isa niyang siko sa mesa habang ang isa naman ay prente lang na nakalapag sa kanyang kaliwa na hita.


Simple lang ang suot niya na damit pero ganon na lang rin kung mag sumigaw iyon dahil mismo sa lakas ng kanyang tindig. Kulay nude kasi iyon na polo shirt habang ang pants naman niya ay kulay puti. Idagdag pa ang specs niya na suot na hindi ko rin naman ganon na napansin kanina dahilan para talagang ma intimidate ako sa kanya.


Halos magulat ako at panlakihan ng mata dahil hindi ko inakala na titingin siya sakin habang binubuksan niya na ang isang bote ng tubig at inumin iyon ng nakaharap din sakin! Kaya wala sa sariling umiwas na ako ng tingin at itinuon na lang iyon sa kung saan. Pakiramdam ko parang sobrang init na ng mukha ko kaagad!


The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)Where stories live. Discover now