[Ano iniiyak iyak mo jan? Sino ba iniiyakan mo?]Kanina pa ako mabagal na nagpupunas ng mga luha ko sa harapan ni Aiofe. Magka video call kasi kami ngayon. Nakauwi at nakabalik na rin naman ako ulit sa Pilipinas noong nakaraang araw. Katatapos ko lang rin kumain ng dinner ko kaya naman heto ako ngayon at nakikipag usap kay Aiofe para sana kamustahin siya pero ang ending, ako kami at ang sarili ko ang topic.
[Ano hindi ka magsasalita? Ie-end ko na to,] Babala pa niya ulit sakin ng hindi ako magsalita. Umakto pa siya na pipindutin talaga ang ending button sa screen kaya hindi ko na napigilan ang tumawa ng sandali.
"Wala to, ano ka ba! Parang hindi ka naman na nasanay sakin." Pagpapalusot at pag iiba ko na lang din na sabi sa kanya.
[Sa bagay,] She letting out a heavy sighed before looking away from me. Her both arms crossed against to her chest that's why I suddenly think that she's already annoyed a bit.
Sa totoo lang, kanina ko pa din napapansin yon sa kanya. Yung pagiging mabilis niya na mainis. Kaya tuloy sa huli ay hindi ko na maiwasan ang mag isip agad ng kung ano ano.
[Pero sino nga yung dahilan niyan? Pasapak lang ako kamo.] Pangungulit niya pa ulit.
"Siraulo," I quickly laugh at her before I throw my tissue to the trashbin that was on beside of my bed. "Wag mo na lang kasi isipin. Sige ka ikaw rin, baka hindi ka makatulog."
Hindi siya nagsalita at sumiring lang sa kawalan. Doon ko lang rin nalaman na doon pala siya ngayon nag stay sa Tita niya na kapatid ng papa niya sa US. Kinuwento niya na rin naman sakin ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya kaya naiintindihan ko na kung bakit pinili niya na pumaroon muna.
[Baka mamaya sabihin mo sa mga kaibigan niya 'to ah?]
"Why would I?" I raised a brow to her. "You know that I'm not like that type of person."
[Good. Mas mabuti na yung nagkakalinawan tayo dear.] Pangungumpirma niya. [Pero kung sino man yang kinaiiyakan mo, sana worth it siya okay? Kasi kung hindi, ako mismo susugod sa kanya para sapakin siya.]
Tumawa ako. "Baliw, sige na sa ibang araw na lang ulit tayo mag usap dahil tumatawag na sakin si Brethanie." Pag iiba ko na lang din kaagad ng usapan dahil bigla na lang rin nag pop up sa notification ko ang pangalan ng kapatid ko.
For the last time, we say goodbye and waved into each other to the screen before she ended our call. Awtomatiko akong ngumiti na lang din agad ng makita ko na si Brethanie sa screen. Wala siya sa Manila at kasalukuyan na nasa probinsya para mag alaga kay Lola.
Nitong friday lang kasi ay natapos na niya ang semester niya. Kaya ayon at hinatid na siya ni Kuya Beain doon para na rin daw makapag relax siya at masulit ang bakasyon niya lalo na't nababad raw ito ng husto at na stress sa pag aaral.
Binigyan rin naman namin siya ng present gift ni Kuya Beain pampalubag loob na lang din dahil sa natanggap niyang grades daw roon sa isang subject niya na hinihingian niya ng hustisya. Ewan ko ba sa kanya sobrang aral na aral. Pero kahit na ganonpaman, hindi ko maialis sakin ang katotohan na sobra akong proud sa kanya.
[Ate! I miss you! Ano galing ka nanaman sa iyak?] Yon kaagad ang una niyang napansin sakin. [Sino nanaman umaway sa Ate ko?] Humalukipkip pa siya.
"Hay nako! Ikaw talaga lahat na lang sakin napapansin mo." Pabiro akong ngumuso bago sumandal sa headboard ng kama ko. Inabot ko rin at kinuha sandali ang glass ko na may lamang gatas para inumin yon. Bago ulit ako tumingin sa kanya sa screen.
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomansaFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.