[Love, what time will you go to the hall?]
I was talking to Brent on the phone while I was busy to complete all the things that I needed for our graduation ceremony later afternoon. Dapat kasi sa Pasay City talaga gaganapin ang pero dahil may kasabayan kami na ibang university na magtatapos din ngayong araw, hindi na yon natuloy pa at binago na lang ng Dean ng DLU ang venue na sa mismong loob na lang ng DLU hall iyon ganapin.
Yes. Brent and I were now officially in a relationship. But it doesn't mean that were both told about it to our friends. Wala kaming plano na ipaalam muna ang tungkol sa aming dalawa sa kanila Instead, we were both decided na i private na muna ang kung ano man na meron kami. Hindi sa ano, pero ayoko lang din kasi talaga na magkaroon at may kumalat na issue tungkol sa amin. Lalo na't sa totoo lang talaga ay maraming humahanga kay Brent na ka batch mates namin.
Our both families were also approved to our relationship. Naalala ko bigla yung araw na pumunta ako sa bahay nila Brent para lang maipakilala niya ako sa Mommy at Daddy niya. Tanda ko pa na habang papunta kami roon ay ganon na lang rin na manginig nginig ang kamay ko dahil sa pag o overthink ko at pag iisip na baka hindi nila ako magustuhan dahil sa simpleng buhay na meron lang ako. Pero lahat ng yon ay agad rin naman napalitan ng saya lalo na nung gawaran ako ng ngiti ng pareho niyang mga magulang.
"Hindi ko pa alam baka kapag nag chat na lang siguro sila Aiofe sa gc namin." Sagot at paliwanag ko sa kanya habang nakaipit na ang phone ko sa pagitan ng tainga at kanang balikat ko. Sinasabit ko kasi yung toga ko at baka magusot. Ayoko kasi na magusot yon kahit na isang beses ko lang naman susuotin. Ang tagal ko rin kaya pinaghirapan na maabot yon para masuot!
[Okay, well I see you there later hm? Paalam ka na rin sa kuya mo because I know our both friends will invite us to have a mini celebration later.] Dinig ko ang ilang yabag sa background niya. So I already assumed na mukhang kakagising niya pa lang para lumabas sa kwarto niya at kumain ng almusal. Hindi rin nakaligtas sakin ang tahol ng aso niya na si Finn.
Isa iyon na Pomeranian na kulay itim na may halong brown ang balahibo. Finn is also a boy and a sweet dog that I met. Ang hilig niya na mandila sa pisngi at makipaglaro. Ganon na rin ang makipaghabulan. Sa pagkakaalam ko, pinasok at in-enroll din siya ni Brent sa isang training dog school para raw hindi siya ganon na mahirapan sa pag aalaga rito.
"As if naman na papayagan ako non." Ngumuso ako at saglit na kinuha ang phone ko sa balikat ko bago ako umayos ng tayo at dahan dahan na iikot ang ulo ko. Pakiramdam ko kasi parang nangalay na kaagad ang batok ko. Nang mapalingon ako sa orasan halos mag aalas nuwebe pa lang rin pala ng umaga.
I heard him chuckled a bit. [So you're still scared to your older brother?] Tanong niya na hindi ko alam kung seryoso ba o sadyang nang aasar lang. [Don't scared to him love, I'm here. Unless...]
YOU ARE READING
The Mesanthropic Demure (Flight Attendant Series #4)
RomansaFLIGHT ATTENDANT SERIES #4 Bea, a woman that comes from a wealthy family. She has a dedication to find things that may and can help her to achieve all the goals that she wanted to her life as well as to her own family.