Dumeretso sa Bernardina sina Edric at Morticia para makita si Zephy. Pero si Morticia, imbes na sumama para makita ang ipinunta nila, lumiko agad siya sa kanang bahagi ng building at doon tumungo sa maze garden ng hospital. Mag-isa na lang tuloy si Edric na dumaan sa nursery para silipin ang batang inaalagaan niya.
Tahimik sa ward kung nasaan ang anak ng numen dahil bihira nilang padaanan sa mga tao roon, lalo pa't delikado ang bata para sa mga walang kapangyarihang mortal.
Naabutan doon ni Edric si Alastor na may kausap na dalawang nurse at si Zephy na may dala-dalang ilang folders.
"Eddy! I heard you came back bloody and dying," pagbati ni Alastor sa kanya paglapit niya rito.
"How's the kid, Uncle Las?" kaswal niyang tanong habang namumulsa sa itim niyang pormal na pantalon.
"The kid is drinking his milk again. He threw up when we gave him his blood bottle."
Napasilip si Edric sa loob ng mahabang salaming bintana at nakitang hawak-hawak nga ng sanggol doon ang maliit na bote ng gatas habang dumedede.
"He drinks formula and blood. And he needs the natural energy of the woods. He's more complicated to handle than my sister when she was still a baby," sabi ni Edric at ibinalik ang tingin sa tiyuhin. "When can we take him back to the Cabin?"
"You can bring him back into the woods if he finishes his milk by tomorrow. However, he will stay here if he accepts blood."
"All right, we can handle that." Nailipat ang tingin niya kay Zephy na abala sa folder na binabasa nito. "Human."
"Yes, Mr. V?" sagot ni Zephy na naka-focus lang sa binabasa nito at ni hindi man lang siya nagawang sulyapan.
"Come to my office."
"Yes, Mr. V."
♦♦♦
Kung alam lang ng lahat kung gaano kasakit ang katawan ni Zephy pag-uwi na pag-uwi niya sa Grand Cabin. Pinilit lang niya ang sariling makalakad nang maayos kahit parang nagiging gelatin na ang mga binti niya mula noong nakaraang gabi.
Paghatid sa kanya sa mansiyon, anong tuwa niya nang maabutan si Eul doon na may dalang mga folder. Kaya naman wala pa itong sinasabi, binungaran na agad niya na magpapagamot siya ng sakit ng katawan.
Hindi naman ipinagdamot ni Eul ang kapangyarihan nito at laking ginhawa ni Zephy nang mawala ang lahat ng iniinda niyang sakit.
Nagtanong si Eul kung bakit masakit ang katawan niya pero ang isinagot lang niya ay dahil sobrang bigat ng wedding gown niya—na pinaniwalaan naman nito ayon na rin sa balita ni Zagan na hinimatay siya dahil doon.
Hindi niya alam kung paano sasabihin kina Eul na may nangyari sa kanila ni Edric. Hindi naman sa ikinahihiya niya, ngunit si Edric Vanderberg ang pinag-uusapan. Ang tingin pa rin niya sa sarili niya ay isa sa mga biktima nito.
"What's with the folders?" tanong ni Edric. Nilalakad nila ang pasilyo ng sixth floor habang nakabuntot siya sa lalaki.
Iyon ang gusto niyang sabihin kay Edric kapag nagkita sila—at ngayon na ang tamang pagkakataon.
"Eul gave these documents earlier, Mr. V. Galing ito sa Historical Commission at sa Helderiet Town Hall.
Pinabubura nila ang record ni Mr. Donovan Phillips at pinababago nila ang pangalan ni Sigmund Phillips para maging Vanderberg," paliwanag niya kay Edric.
BINABASA MO ANG
Prios 6: Prios Extinction
FantasySa pagkamatay ng Hinirang na si Donovan Phillips at ng anak ng adang si Chancey, muling magbabalik ang kinatatakutang propesiya ng mga mata-ang pagkawasak ng buong Prios. Hindi mapipigilan ang panahon sa matagal nang itinadhanang maganap. Magawa ban...