25. Broken

584 64 7
                                    


Isang taon din mula nang pumunta si Zephy sa South at wala siyang paramdam sa kahit sinong nasa Prios.

Mabigat para kay Edric ang desisyon ng pag-alis ng asawa dahil nabanggit na nito kung ano ang plano nito sa susunod na limang taon, at naroon na sila sa taon na matagal na rin nilang pinagdidiskusyunan.

Nakasakay ang dalawa sa elevator at nakailang ipit ng buhok niya si Zephy sa likod ng tainga. Maghahagod pa ito ng tiyan na lumiit pababa sa makitid na laylayan ng suot nitong dress, umaasang mapapansin siya ni Edric sa itsura niya. Pero nakababa na sila sa lobby ay tahimik lang ito at mukhang hindi maganda ang araw.

Inisip na lang niya na marahil ay may nangyari sa Prios na sumira ng umaga nito. Normal lang iyon kay Edric kahit pa isang taon silang hindi nagkita.

Paglabas nila sa maliwanag na bahagi ng lobby, naabutan nila si Sigmund na hawak ang kamay ni Eul at nagtitingin-tingin ng mga painting doon sa mahabang pasilyo patungong acquisition room. Mukha itong namamasyal sa isang museo habang naghihintay kay Edric para tuparin ang pangako nitong bibili sila ng teddy bear.

"Sigmund!" malambing na pagtawag ni Zephy sa bata kahit nasa malayo pa lang sila.

Nanlalaki ang mata ng bata nang maalerto sa pagtawag na iyon. Pagtagpo ng mga tingin nila, inilahad na ni Zephy ang mga palad para ayain si Sigmund na lumapit sa kanya.

"Zephy! Aaahh!" malakas na tili ng bata na bumalot sa buong lobby at nag-echo pa sa high ceiling na bahagi ng gusali. Patakbong lumapit si Sigmund sa kanya at sinalo niya ito ng yakap paglapit nito. Bahagya pa siyang tumalungko para lang mag-abot ang taas nilang dalawa

"Ang laki mo na!" nanggigigil niyang sabi sa bata habang inuugoy-ugoy ito. Bahagya niya itong inilayo at pinindot ang tungki ng ilong nito. "Miss mo na ako?"

"Zephy!" magiliw nitong pag-ulit sa mas mataas na timbre. "Father said we'd buy a new bear."

"A new bear? I see," sagot ni Zephy at napatango-tango na lang dahil mas tuwid nang magsalita si Sigmund kaysa noong huli niya itong makita. Bulol pa ito noon. Kadalasan, ito lang ang nakauunawa ng mga sinasabi nito. Tumayo na siya at hinawakan ito sa kamay. Paglingon niya kay Edric, masama pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Give me the kid," malamig na utos ni Edric.

"May lakad kayo?" tanong na lang ni Zephy nang iabot dito si Sigmund.

Walang isinagot sa kanya si Edric. Kinarga lang nito si Sigmund at tinalikuran siya nang walang pasabi.

"Wow!" sarkastikong bulalas niya dahil ngayon na lang sila nagkita, ganoon pa ang iaakto nito sa kanya.

Sinundan lang niya si Edric ng tingin habang papalayo ito.

"Ano'ng problema n'on?" tanong pa niya kay Eul, itinuturo ang dalawang Vanderberg na papalabas na ng building.

"May idea ako pero mas mabuti nang sa kanya manggaling," sagot ni Eul na papalapit sa kanya.

Napangiwi tuloy si Zephy at gusot ang mukha nang tingnan ang katabi. "Walang clue?"

"Ikaw," nakangiting sagot ni Eul na parang ang saya ng pinag-uusapan.

"Oo nga, ako nga. Ako ba?" pagturo pa niya sa sarili para malaman kung ano ang problema ni Edric.

"Siya lang ang makasisiguro kung ikaw nga ang problema. Sundan mo na sila," sagot ni Eul at inilahad pa ang palad para humabol siya sa mag-ama.

Lalo tuloy siyang nalito dahil kababalik lang niya ng Prios. Wala pa siyang ginagawang kahit na ano. Maliban sa hindi siya nagpasabing uuwi na siya. O hindi siya tumawag o nag-message nang isang buong taon. Iyon na lang ang iniisip niyang dahilan tutal ay kagalit-galit nga ang mga iyon.

Prios 6: Prios ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon