Noon, iniisip ni Zephy na kapag pumayat siya, magiging maayos na ang tingin sa kanya ng lahat. Gaya ng sa katawan ng mga sekretaryang lagi niyang kinukuha sa Prios.
Pero kahit si Alastor, na wala yata sa bokabularyo ang pagiging arogante gaya ng pamilya kung saan ito kabilang, kung tingnan din siya ay parang napakamiserable niyang nilalang.
Himas-himas niya ang palad habang nag-iiwas ng tingin dito. Nakaupo siya sa visitor's chair sa opisina ni Alastor. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat bang wala roon si Edric. Nag-usap kasi muna ang magtiyo nang wala siya. Pagkatapos, may nurse na dumalo kay Edric at parang may pupuntahan sila. Inisip na lang niyang baka tungkol iyon kay Sigmund kaya hinayaan na niya.
"Zephy, I want you to understand that we are concerned with any of the family's health," paalala na naman ni Alastor, na narinig na rin niya kina Eul at Zagan, na narinig na rin niya kay Edric, at nabanggit na rin nina Gaspar at Mrs. Serena mula pa noon. "Once you become a part of it, you're already subject to our monitoring."
"Bakit si Chancey . . . ?" malungkot niyang tanong na hindi niya natapos nang maalala ang nangyari sa kaibigan.
"The family decides everything, Zephy. We let you go to the south because we were confident that whatever was in that place, you wouldn't be affected because you're a human. However, this is the first case where a human from the north had difficulty living in the south. You know what I mean? There are some factors that we need to consider."
Buntonghininga lang ang naisagot ni Zephy dahil malaking bagay sa pamilya ang pagbawas ng timbang niya na hindi naman talaga niya lubusang ginusto.
"We are now taking this case into monitoring. You need to be here every day for your daily check-up. Edric will help us track your health records. The Bernardina and the Historical Commission need to have a cross-reference of these said records since this is the first time it happened after the Prios establishment."
Tumango lang si Zephy habang bahagyang nakayuko, nakatitig sa ibaba, at natutulala.
"The Red King already advised Poi to let you rest for a month. We need to finish our observation before we let you go back to your work."
"Hindi pa naman ako mamamatay, Doc, di ba?" nag-aalala nang tanong ni Zephy nang tagpuin ang pulang mga mata ni Alastor.
Napangiti si Alastor at komportableng isinandal ang sarili sa ergonomic chair niya. "We can see your aura, Zephy. All of us know if you're weak or not. This is how we see you." Itinuro niya ng palad si Zephy mula ulo pababa nang kaunti. "If humans tend to stare at you over that physical body, then we're not. If you're still conscious that my nephew sees his secretary in their slim bodies, I will tell you that he never sees them based on human standards. He only sees them as bottles of juice. And you're not like those humans."
Ilang beses nang narinig ni Zephy na hindi pagkain ang tingin sa kanya ni Edric. Ilang beses na iyong ipinapaalala sa kanya ng mga Vanderberg, ultimo ni Edric. O kahit sino sa pamilya na nakakakilala kay Edric.
Pero nahihirapan pa rin siyang isipin dahil hindi lang naman asawa niya ang nakakakita sa kanya sa araw-araw. May ibang pumupuna sa katawan niya kahit hindi naman niya hinihingi ang opinyon.
Kaso iba ang usapan ngayon na pamilya na ang pumupuna sa kanya. Kung masakit na sa loob niyang masabihang mataba ng mga taong kauri niya, di-hamak na triple ang sama ng loob niya nang panay ang puna ng kahit sino sa pamilya kung bakit siya pumayat—na para bang malaking kasalanan iyon para sa kanilang lahat.
"Edric is in a room upstairs. He's not in good shape today, so we have to treat him."
Gumuhit agad ang gulat sa mukha ni Zephy dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Prios 6: Prios Extinction
FantasySa pagkamatay ng Hinirang na si Donovan Phillips at ng anak ng adang si Chancey, muling magbabalik ang kinatatakutang propesiya ng mga mata-ang pagkawasak ng buong Prios. Hindi mapipigilan ang panahon sa matagal nang itinadhanang maganap. Magawa ban...