5. The Best Friend

839 77 55
                                    


"You can't take Zephy as your pet, Edric."

"Oo nga!"

Makailang beses na iyong inulit ni Rorric Vanderberg sa panganay pero hayun ito at pinaikutan lang siya ng mata. Nakakrus ang mga braso nito habang nakabalagbag ang upo sa isang upuan sa meeting room na nasa fifth floor. Pangalawang upuan mula sa puno ng mesa ang puwesto niya habang nasa malayong kabisera naman ang ama katabi sa kaliwa si Zephy.

Sinabi nito na hindi niya puwedeng gawing alaga si Zephy—hindi isa, hindi dalawa, ilang beses pa sa loob lang ng isang oras. Pero matigas ang ulo ni Edric at ayaw iyong tanggapin.

"She's a human. We take humans as our pets," katwiran ni Edric.

"Zephania is under the chairman's custody, son."

"But Van is already dead dead! He will never come back!"

"It doesn't matter if Donovan is here or not. Zephy is working in the chairman's office—regardless of her kind. She's giving you your human needs. You don't have to take her."

"But I want her, Father."

"As a pet? She can provide you with a with a dozen of them."

"I can bargain that dozen for her, Father. I want her as my pet. No one's going to change my mind." Paglipat niya ng tingin kay Zephy, kung makangiwi naman ito, parang nakakita ito ng nakakadiring bagay sa malayo.

"Son . . ." Napabuntonghininga na si Rorric habang himas-himas ang sentido. "Zephy . . . is under . . . the management . . . of the chairman's office," marahan nitong paalala—hindi lang una, hindi pangalawa, kundi pang-ilang beses na sa oras na iyon.

"And Van is not the chairman anymore, Father—"

"Ay, mami!" Napatalon sa kinauupuan niya si Zephy nang ibagsak ni Rorric ang kamao sa mahabang wooden table na nasa harapan nila.

"I'm supposed to rest at this hour, Edric Andreus Vanderberg, not scold you about the same thing for the whole damn hour!" sigaw ni Rorric na bumalot sa loob ng meeting room. Napalayo agad si Zephy patungo sa kabilang upuan habang napapahimas ng braso. Nagtindigan ang mga balahibo niya sa katawan at halos tambulin nang ubod ng lakas ang dibdib gawa ng kaba.

Matanda na si Rorric, alam ng lahat iyon. Mahigit apatnaraang taon na rin itong nabubuhay bilang bampira. Hindi masabi ni Zephy na maghinay-hinay ito dahil masama sa puso ang alta-presyon, pero naisip niyang maliban sa hindi na tumitibok ang mga puso ng gaya nitong bampira, hindi rin niya alam kung may dugo pa bang tataas dito.

"This is enough, Edric." Nauna nang sumuko si Rorric dahil ayaw na niyang ulitin ang ilang beses na niyang ipinaulit-ulit sa anak na pagkatigas-tigas ng ulo. "Zephania."

"Yes, boss." Tumayo si Zephy at naiilang na lumapit kay Rorric habang nakayuko. "Ano na po'ng gagawin ko?"

"Nagsabi si Eulbert na ikaw ang titingin ng mansiyon ngayong araw."

"Yes, boss. After sa Grand Cabin, deretso na ako sa office para gumawa ng report at requirement para sa mag-a-apply bilang nanny ni Sigmund."

Masama ang tingin ni Rorric sa anak na nakataas ang mukha at nag-aabang ng sasabihin niya. "Maiiwan dito sa Prios si Edric. Magpasama ka kina Eulbert at Lancelot papuntang mansiyon."

"Yes, boss."

Sumulyap pa si Zephy kay Edric at mabilis na bumuntot kay Rorric paglabas nito ng meeting room.

Umikot na naman ang mga mata ng binatang bampira at nagbagong-anyo para maging itim na usok. Lumabas na rin siya ng meeting room at naabutang nakabuntot pa rin si Zephy sa ama. Hindi niya tuloy ito madagit uli dahil malamang na magpapang-abot din sila ni Rorric. Kapag inaatake na naman siya ng katigasan ng ulo, hindi ito kahit kailan nagdalawang-isip na bugbugin siya kung kinakailangan.

Prios 6: Prios ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon