31. Hunger

679 67 24
                                    

Kagat-kagat ni Zephy ang labi para pigilan ang sariling matawa sa inaakto ni Edric. Alam niya kung gaano ito kaseloso at kainggitero. Pero kaiba sa tipikal na mainggitin ang ugali nito at doon siya natatawa. Hindi siya nito pinansin kaya naligo na lang siya sa kuwarto ni Sigmund at nagpalit ng pantulog bago binalikan si Edric na nagtatampo pa rin sa kanya.

Dala-dala niya ang isang kahita at isang mas malaki nang kaunti pa roong kahon. Pagbalik sa kuwarto kung nasaan si Edric, naabutan niya itong nakasandal sa upholstered headboard ng itim na kama habang nakatakip ng itim na duvet ang bandang baywang pababa. Nakakrus ang mga braso nito at masama ang tingin sa harapan na para bang nakatitig ito sa kung sino mang kaaway nito roon.

"Edric," pagtawag ni Zephy na may tunog nang pang-aamo rito. "Tampo ka pa rin?"

Lumapit siya rito at pumuwesto sa dulo ng kama kung saan siguradong matatagpo ang masamang tingin nito.

"Ang nice ng nightgown ko, o! Look." Ipinagmalaki pa niya ang puti niyang suot. Gawa sa satin ang bandang dibdib niyon at manipis na tela ang strap. Sheer na ang ilalim ng dibdib hanggang hita na kitang-kita ang suot niyang white strappy thong.

Matagal na niyang pangarap na makapagsuot ng ganoong pantulog, ang kaso nga lang ay nahihirapan siyang maghanap ng kasukat ng dati niyang katawan. Anong tuwa niya nang sa wakas ay may nagkasya na rin sa katawan niya.

Inaasahan niyang mapapababa niyon ang init ng ulo ni Edric ngunit inirapan lang siya nito na para bang wala lang itong nakita sa harapan.

Buong akala talaga niya ay madali itong madarang ng mga babaeng balingkinitan at kita ang kaluluwa. Ngunit napatunayan na niya talaga kung gaano kahirap kunin ng atensiyon ni Edric Vanderberg kung katawan lang ang gagamitin bilang pang-akit, lalo pa't wala itong balak tingnan siya bilang pagkain.

Napabuntonghininga na lang siya dahil halatang wala itong interes na maakit kahit na gaano pa kakitid ang baywang niya at gaano man katambok ang dibdib niya o balakang. Nakasimangot siyang lumapit dito at inilapag sa side table ang mga dala niya bago umupo sa gilid ng kama paharap dito.

"Alam mo, si Sigmund, bata lang 'yon para pagselosan mo," panimula niya rito habang isa-isang binubuksan ang mga dala niyang kahon. "And besides, pamangkin mo 'yon, ano ka ba?"

"You love him most. And you kissed him more than you gave to me," sagot ni Edric, at pagsulyap ni Zephy rito, halatang sinadya nitong tingnan siya para lang makita niya ang pag-irap ng lalaki.

Umikot agad ang mga mata niya dahil napakaarte pa rin nito kahit kailan. "Si Sigmund, 5 years old pa lang. Ikaw, 141 na. Nai-imagine mo ba yung age gap ninyong dalawa?"

"Yes!" madaling sagot nito. "And he's 31 years younger than you!"

"Exactly! Mas matanda ako sa kanya!"

"You're three decades older than him and I'm a hundred years older than you!"

"Bakit ba tayo nagbibilangan ng edad dito?" naiinis nang tanong ni Zephy.

"Because you haven't told me you love me yet, and you haven't given me more kisses than you give to that monster!" Biglang naningkit ang mga mata nito at sinukat siya ng tingin. "You're taking advantage of my inability to control you by lavishing your love on a monstrous child! I'm your husband, human!"

"Napaka-OA talaga," pairap na bulong ni Zephy. Binalikan na lang niya ang kahong dala at inilabas doon ang isang maliit na wood keychain na may korteng espada at may nakaukit na pangalan ni Edric sa pinakatalim. Ang isa naman ay ipinagawa pa niya bilang maliit na plushie version ni Edric bilang katumbas ng mga laruan nito.

Mga ganoong bagay ang hindi kahit kailan naibigay sa magkapatid na Vanderberg gaya ng mga teddy bear na kinagigiliwan nila ni Mortica dahil gaya nga ng sabi ng mga kasama nila sa pamilya, maliban sa wala silang paggagamitan ng mga iyon, gawa ang mga bagay na iyon ng mga tao. At hindi sila interesadong tumangkilik ng gawa ng mga ito matapos nilang dumanas ng masasamang karanasan sa kamay ng mga ito noong nagdaaang siglo.

Prios 6: Prios ExtinctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon