00

166 3 0
                                    

Back

"Baby J!"

Ngumiwi ako dahil sa malayo palang ay kitang-kita ko na si kuya Javi na pinipigilan nila Mamu sa pagsigaw at pagwawala.

He looks crazy. He's holding a cartolina where a stolen picture of mine was pasted.

Alam ko na siya ang gumawa nito dahil bukod sa ang panget ng sulat at design, oo ang panget talaga, eh siya lang naman 'tong mahilig sa mga gantong ka-ek-ekan.

The people around them are looking at them because of his scandalous behavior. Nakakahiya!

At kahit sa malayo rin, ay kitang-kita ko kung gaano kairita si kuya Jaever sa kanya. Kulang nalang ata eh sakalin niya si Javi sa sobrang irita niya.

While my other brothers, kuya Jamiel and kuya Jammer are distancing theirselves from them, like pretending they didn't know kuya Javi. I'll do the same if I'm on their shoes right now.

Hila-hila ko ang maleta ko at nakasukbit naman sa akin ang isang shoulder bag habang patuloy na naglalakad palapit sa mga kuya ko at kay Mamu.

Grabe, namiss ko talaga sila lalo na si Mamu. Halos isang taon na rin ang lumipas simula nung huli kaming nagkita nung binisita nila ako sa London.

We do video calls naman and madalas 'yon, pero iba talaga pag personal mong makikita yung pamilya mo.

"Mamu I miss you!" Niyakap ko agad ng sobrang higpit si Mamu nang tuluyan na akong makalapit sa kanila.

"I miss you rin anak!" She also hugged me tightly. Halos hindi na ko makahinga pero okay lang kasi I really miss my Mamu so bad.

"Mas lalo kang gumanda ah?" She looks at me closely.

"Mamu naman, kanino pa ba ko magmamana? Syempre sayo! We're both pretty kaya!" I chuckle.

"Mamu itabi mo, ako naman," singit ni Javi at bumwelo pa bago ako lapitan para yumakap din.

"Baby J I miss you sobra!" Pasigaw niyang sabi at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere habang nakapikit. Binatukan siya ni kuya Jaever.

"Hoy Javier ano ba!? Kanina ka pa gumagawa ng eksena rito, nakakahiya na, kanina pa tayo pinagtitinginan!" kuya Jaever said, iritang-irita kay Javi.

"Aray naman Ver! Ine-express ko lang naman yung nararamdaman ko dahil naka uwi na ang baby J natin eh. Makabatok naman 'to," sabay kamot sa ulo ni Kuya Javi at lumapit na ng tuluyan sa'kin para yakapin ako.

"Baby J namin nakauwi na!" parang batang sabi ni Javi sa mas mahinang boses kesa sa sigaw niya kanina. Inis ko namang hinarap si Kuya Javi pagkatapos niya akong yakapin.

"Kuya Javi mami-miss na sana kita kaso bakit naman 'yang picture ko na stolen na iyan ang nilagay mo dyan? Naka-nganga pa ko dyan tas ang laki laki pa ng pagkakaprint!" Bulyaw ko sa kanya.

The asshole put my picture that was taken nung New Year habang kumakain ako ng shanghai. Siya ang kumuha nito at naaalala ko pa kung paano ko siya hinabol noon nang makita ko 'to. Hindi pala dinelete ni gago. Gusto kong manakit ngayon, as in ngayon na.

"Ah so hindi mo ko miss?" Nag pout pa si Javier at may pa-hawak pa sa dibdib habang umaarte na naiiyak. Abnormal talaga.

"Hindi na. Ba't kasi 'yang picture pa na yan? Nakakahiya ang dami-daming nakatingin sa inyo at tas makikita nila yan!" I rolled my eyes dahil sa inis.

"Hindi naman yung muka mo yung tinitingnan nila, kung 'di yung muka kong gwapo."

Sabat naman ni Jammer na kumindat pa at ngumingiti na para bang ipinagmamayabang yung dimples niya.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon