Bawal pumasok
"Siargao kaya tayo?" Excited na suggestion ni Diean.
"G!" sabay na sabi nila Lou at Axell.
They all look at me.
"I think I'll pass." They all sigh. "Kakagaling ko lang ng Elyu." I laugh.
"Magkaiba naman kasi yon! Dali na Jah!" inalog alog ako ni Di.
I sighed. It's been their nth plans and hindi lang matuloy tuloy dahil ayaw ko sumama. I told them to go without me but they wouldn't. Anila ay hindi raw masaya pag kulang kami.
"Siargao is too far. I hate being jetlagged. Mas okay pang ma-carsick." Palusot ko.
"Sabagay, di sulit doon pag three days lang Di. Zambales nalang tayo!" ani Axell.
We all agreed.
"Kailan ba ang plano?" tanong ni kuya.
We're all here in Lou's house sa Bocaue para mapag usapan ang pinaplanong gala na naman.
"This week? Atat na akong gumala!" Humagikgik si Diean.
"Hey what about sa birthday ni Mav?" Lou snapped his fingers.
Muntik na akong masamid sa sarili kong laway. I saw how kuya look at me. I keep my cool and listen to Lou kahit na nakakaasiwa ang titig niya sa akin. Kala mong may ginawa akong masama.
"Oo nga! Uuwi naman siya eh. Sa birthday nalang no'n para libre!" Humalakhak si Axell.
"Naneto! Ang lakas kumita, napaka kuripot!" Singhal ni kuya.
"Basta seaman, kuripot." Sulsol ko.
"Manahimik kayo! Nag iipon ako ng pang pakasal!" Mayabang na sabi ni Axell.
Mav's birthday will be on Saturday. And it's Sunday now. According to Ax, uuwi siya.
I don't wanna see him. Not now that my feelings for him are so intense. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko this time. Like what my brother said, I shouldn't mess things up this time. And I won't.
"So sa Saturday ah? Ako na maghahanap ng resort." Kinuha ni Diean ang cellphone niya. Sumiksik agad sa tabi niya si Ryle at nakitingin na rin.
"I think I'll pass." Sabi ko.
Dumaing agad sila Lou.
"Jah naman! You know it wouldn't be fun when you're not there! And it's off-season. Wala kang ginagawa. Why would you pass on this?" Frustrated na tanong ni Lou.
"What plans?" tanong ni kuya.
Umisip ako ng palusot.
"I'm gonna use my gift from kuya Jammer. I-iyong trip to anywhere I want." Tumikhim ako.
He's looking at me like he's scanning my soul. I'm lying but please don't know it Jaever!
I sighed nang bumaling siya kay Diean.
"Try searching The White House, Diean. It's good there." ani kuya.
Ilang araw na akong kinukulit nila Di. Dito na nga muna sila tumira sa condo ko para lang mapilit ako.
But buo na ang desisyon ko. I won't be there.
"Bakit hindi ba pwedeng next time nalang yan? Minsan lang 'to o!" Yamot na sabi ni Lou.
"Oo nga Jah. After nung trip natin, o e'di tsaka mo gamitin yung bigay sa'yo ni kuya Jammer." Dagdag pa ni Di.
"Don't tell me na wala kang pera kaya ayaw mo sumama. Mas malaki pa kita mo sa'kin kaya wag ako Alejo. And besides, libre na nga! Nakausap ko na si Mav." Si Axell.