25

8 0 0
                                    

Win or Lose?

BULPRISA gives me so much fun and stress at the same time. But mostly stress.

Stress na nga sa laro, stress pa sa kapatid.

"Ah bahala ka! Pag ikaw nabalian ng buto, hindi namin papaayos yan!" bulyaw ni Ver.

Nasa room namin kami nakatambay habang nag iintay ng laro. The effing bro doesn't want me to play again. Nung nakaraan kasi ay na-sprain ang paa ko at medyo malala. Until now nga ay makirot pa rin ito.

"Jesus, Jaever! Hindi naman ako mababalian! Calm yourself!" Umirap ako.

I get my phone and text kuya Jamiel.

Help kuya! Sinusumpong na naman si Ver. I'm in SHS 201. Need u here, ASAP.

Agad akong nakatanggap ng reply sa kanya. He said he's not available. Tss, nasa talyer na naman siguro 'to. Wala silang klase eh.

Saktong pagkababa ko ng phone ay nagulat ako nang nakaluhod na sa harap ko si Mav.

"Your shoe laces aren't done yet." At siya na mismo ang nagtali.

Nagpapanic akong tumingin sa kapatid ko. Nakangiwi at busangot ang muka ni Jaever na nakatingin kay Mav.

"There..." Ani Maverick at tumayo.

"Uh, thanks..."

Mauuna kami ngayong maglaro kesa sa kanila. After lunch pa sila samantalang kami ay ngayong 9 am. Last game na namin and we're still undefeated.

"Sure win na 'to!" Humagikgik si Shane.

"Don't be too cocky, Shane. Wag natin maliitin ang Riveridge." Si Ces.

After ng warm-up namin, nanood naman kami sa warm-up ng Riveridge players. We're taller kumpara sa kanila but fuck, they are all fucking high jumpers!

Tumabi ako kay Mav sa bench. Katabi niya si Jaever na busangot pa rin.

"Kinakabahan ako." I admit and laugh.

"Talagang kabahan ka! Pag ikaw talaga nabalian ng buto-" hirit ni Ver na pinutol ko.

"Kuya I'm not talking to you. Si Mav ang kausap ko." Iritado kong sabi na nagpa awang sa bibig ni Jaever. Natahimik siya.

Nilingon ko si Mav na awkward na nakangiti pero kalaunan ay natawa nang tumingin sa'kin. Natawa rin ako.

"Roasted." Mav mouthed.

"Deserve niya." Bulong ko.

Pareho kaming natawa.

"Kidding aside, you can win this. You guys even defeated the defending champs." Ani Mav.

"Baka nakakalimutan mo, tinalo rin nila ang JIL." Ngumuso ako.

"Yeah... But I know you can-will defeat them. Nandyan ka eh." Pabulong niyang sabi at kumindat.

I jokingly rolled my eyes. "Baller."

Tumaas ang kilay ni Mav at ngumisi. Tinitigan ko siya at nagtaas din ng kilay. Few moments after, he broke the stare war between us. Ngayon ay naiiling na ang katabi ko at natatawa ng bahagya.

Kinikilig ba 'to? Joke. Ang assuming ko naman. Leche!

The game started at umpisa palang, we are all so fucking tired. Lahat kami sa team ay pressured, kabado, at pagod na.

"Sabi na kasing first ball muna! Pa'no papalo ng maganda kung walang first ball na matino? At kayo namang mga attackers, bumutas kayo! Daming chances kanina na maganda drop ball dahil malalayo defenders, puro kayo dikdik ng bola! Mag isip kayo! Be wise!" Coach Lucas slam the white board.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon