11

30 0 0
                                    

D'FIRST Opening

Sa entrance gate palang ng DYCI, nagkalat na ang mga estudyante na nakasuot ng ibat-ibang kulay ng mga t-shirts na naka assigned sa section nila. There were decors everywhere, courtesy of the DYCI's student council leaders.

Pagbaba ko ng sasakyan ni kuya Jamiel ay dumiretso na agad ako sa room ko. Sa hallway palang kung nasaan ang room ng section namin ay nagkalat na ang mga kaklase kong naka suot ng kulay navy blue na t-shirt.

"Nandito na si Jah!" sigaw ni Gian.

They were finalizing the props for later nang datnan ko sila na nagkalat hanggang sa labas ng room. The door was open, which is not allowed. Baka wala si ma'am Irene kaya sila nagkalat dito sa labas.

"Jah lika na! Umpisahan ka ng ayusan para hindi tayo magahol mamaya. Magbihis ka na muna ng pang casual wear mo." Ani Harry na kakalabas lang ng pinto.

Pagpasok ko sa room ay si Ivan at yung mga backup dancers niya, yung magme-make-up sakin, at si Harry lang ang tao. Naka gilid din ang mga upuan, may dalawa lang na nasa sulok at may salamin sa harap no'n na may mga ilaw.

Binaba ko lang ang bag ko at pumunta na ng CR para magbihis. Pagbalik ko sa room ay sinimulan na kong ayusan.

"Upo ka ganda."

Nilahad sakin nung make up artist yung upuan sa harap ng salamin. Nakalatag yung mga make ups at gamit pang buhok sa lamesa sa gilid namin.

"Hi Jah! Excited ka na mamaya? Ako oo." Tumabi sa'kin si Ivan.

"Hindi, purong kaba lang nararamdaman ko ngayon Ivan." I sighed.

"Ano ka ba? Kayang-kaya mo yon. Break their bones ika nga nila." Humalakhak siya.

Nagulat ako nang may bumatok sa kanya.

"Break a leg yon, tanga!" Tiningala ko si Kaicel na mukang kadarating lang. "Hi Jah!" Bati niya.

"Aray ko naman Kaicel!" Daing ni Ivan pero hindi siya pinansin ng kaibigan namin.

"Hi Kai. Late ka ata?" It's past eight a.m na at kadarating lang niya. Buti ay pinapasok pa siya nung guard.

"Oo eh, si Kuya kasi tinanghali ng gising."

"Naku! Baka may late night talks or calls na yon kaya tinanghali." Singit ni Ivan. Napatingin kami ni Kai sa kanya.

"Wala siguro. Kung magkaka-girlfriend yon malalaman ko." Sabi naman ni Kaicel at bumaling na sa'kin.

"Ganda ayusan na kita."

Sinimulan na kong ayusan nung make-up artist na pinsan ata ni Harry.

Unang natapos ayusin ay yung buhok ko. Plantsado lang ito mula tuktok hanggang gitna, yung dulo kasi ay nilagyan ng mga maliliit na kulot. Sunod ay minake-up-an naman ako.

Ivan is busy practicing and chatting at the back, bihis na siya at aayusin nalang ang buhok at konting make-up siguro, depende sa make-up artist. Ten ang start ng program at 9 a.m na. It's recess time pero hindi ako makakapunta sa cafeteria dahil inaayusan pa ko.

"Jah ano gusto mo? Bibilan nalang kita sa cafeteria."

I opened my right eye, yung hindi nilalagyan ng eyeshadow at tiningnan ang repleksyon ni Kaicel sa salamin sa harap ko.

"Thanks Kai. Banana bread nalang tsaka choco drink." Inabot ko sa kanya yung wallet ko pero umiling siya.

"Treat ko," she winked at me.

"Wow yaman! Ako rin libre mo, lista ko lang yung mga gusto ko teka." Kumuha si Ivan ng papel at ballpen sa bag pero nagmamadaling lumabas na si Kaicel. "Hoy! Kaicel Jira ang daya mo!" he chased her.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon