18

11 0 0
                                    

Break

"Alejo bumutas ka! Wag lang palo nang palo!"

I wipe my sweat on my chin. Naghanda na ulit ng bwelo para pumalo.

"Jah!" Sigaw ni Shane at bigay sa'kin ng set.

I spike it and it's outside!

Coach's whistle echoed in the DMDY.

Shit.

"Alejo halika nga dito." Malamig niyang tawag. "Continue!" Baling sa mga kasamahan ko at pumito uli.

Hinihingal akong lumapit sa kanya.

"Akala ko ay wala ka lang sa kondisyon kaya panget ang laro mo sa training last last week. Pero nang mga sumunod pa, at ngayon, gano'n pa din!"

Napayuko ako. I sighed.

"Sorry po." Tanging nasabi ko lang.

"I am expecting so much from you since I watched you play noong D'First. Kaya nga hindi na kita pinadaan sa tryout. And you were good. Bakit ngayon ay nagkaganito na? Parang hindi ikaw ang naglalaro ngayon."

Nakayuko lang ako at pinapakiramdaman ang sarili. I find nothing wrong with my body. Nasa kondisyon ang katawan ko. I am healthy and fit. Walang masakit at walang sakit.

"Are you sick or something?" tanong ni Coach.

I raised my head and shook it. "Hindi po."

"Siguro nga ay wala kang sakit. Hindi ang katawan ko ang problema. Maybe it's your mind."

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi ni coach. I pursed it immediately.

"Take a break from the training. Wag ka muna umattend this week. We still have more than a month before the BULPRISA pa naman. You may go home now." He tap my shoulder.

Bumuntong hininga ko. Tama nga siguro si coach. My body isn't the problems here. It's my mind. I am so stress and my mind is fucked up ever since that night. Halos walang pahinga ang isip ko kakaisip sa kanya.

I should really take a break.

Nagligpit na ako ng gamit at lumabas na ng gate ng Yanga. Our everyday training started a month ago. Lahat ng sasali sa BULPRISA ay gano'n din. Even kuya Jaever pero sila ay sa Elementary Campus court nagte-training dahil kami ang gumagamit ng DMDY. Ang volleyball boys naman ay sa volleyball court sa gilid ng DMDY.

Kahit na may training, hindi ko nakakaligtaan na magpunta sa bahay nila Kalen para magdala ng sulat. After my training, I go there. Inaabot ang training namin ng alas sais kaya naman mga alas siete na ako nakakauwi ng bahay.

Hindi naman kinukwestyon ng mga kapatid ko ang oras ng pag uwi ko dahil alam nila ay may training ako.

Humilata ako sa couch nang makagaling na kila Kalen. It was a long and tiring day.

"Jah magpalit ka muna ng damit at mag dinner bago ka matulog. Natuyuan ka ng pawis." Kuya Jamiel's cold voice made me open my eyes.

"I will kuya."

"I saw you being scolded at the gym earlier. Why?" He sat on the couch beside me at binuksan ang TV. Kailan pa ito nahilig sa panonood ng TV?

"Panget ng laro ko." Ngumuso ako.

"You seemed stress Jah. Ever since...." He stop speaking.

Nilingon ko siya at nakitang mariin na nakatingin sa akin.

"I will take a break kuya. I need to fix myself para naman hindi ako mag mukang katawa-tawa sa laro namin. Coach gave me a one week break."

"Wala naman masyadong ginagawa ngayon sa school. We could take a one week absent and be on a trip." Banayad niyang sabi.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon