23

7 0 0
                                    

BULPRISA

Lahat ng lalaban para sa BULPRISA ay nandito ngayon sa DMDY complex, nakapila ayon sa category na sinalihan.

Bumaling sa likuran ang ulo ko para lingunin ang pila ng basketball team ng college. Nasa pangatlo sa huli sa pila si Mav.

Wearing their warmer shirt, with his arms crossed that makes the shirt stretched too much and hugs his well built body, Mav is looking at the stage in front of us. Seryosong-seryoso siyang nakikinig at nakatingin lang sa harap.

Napatingin ulit ako sa nakahalukipkip niyang mga braso.

Ngumuso ako.

Parang ang sikip sikip naman ng warmer nila sa kanya. Parang puputok na ang tela eh.

Nahagip ng paningin ko ang girls volleyball team ng college na nasa tabi ng pila nila Mav. My brows immediately meet as I saw how the girls giggle and and whisper to each other habang tinitingnan si Mav. I am so sure it was Mav na tinitingnan nila dahil nakita ko ang pagtulak ng isa sa kanila sa isa nilang kasama, dahilan ng pagkabunggo nito kay Mav!

Lalong kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko ay magkadugtong na ang mga magaganda kong kilay ngayon. Why'd they do that? May nagsasalita kaya sa harap! At bakit nanunulak? Mav got hit!

I saw how the girls apologize. Tipid na ngumiti lang si Mav.

"To all the DYCIan student athletes, may He bless you and give you all the guidance in this journey. Good luck DYCIans!" Our school president said, ending his speech.

Bumaling ako sa harap at nakipalakpak. Ilang segundo ay nilingon ko ulit ang likuran, nadatnan ko na ang tingin ni Mav.

Kinunot ko ang noo ko at ngumuso. He smirk. Mas lalong kumunot ang noo ko. Wag ka ngang ngingisi-ngisi dyan!

DYCI is the host for this year. Dito sa campus gaganapin ang BULPRISA. All is set...the courts, the rooms na paglalagian ng mga kasali, the food stall, everything. Nang mag 8 am, nagsimula nang magsidatingan ang mga kasali mula sa ibang schools. Opening day palang pero ang dami ng nanonood. When the lightning of the torch was done, nagsimula na ang mga games and competitions.

"Volleyball and basketball teams ng SHS and college, doon kayo sa Sapientia. Now, move!" sigaw ni sir Therence.

Sinabit ko ang gym bag sa balikat ko at nagsimula nang maglakad papuntang Sapientia.

"Shit!" sigaw ni Ivan na kakapasok lang ng Sapientia. Napatingin ang LAHAT sa kanya.

"JIL daw unang kalaban!" sigaw ulit niya.

Mixed reactions ang nasaksihan ko sa mga kasama namin dito. Ang ilan ay excited, ang iba naman ay kabado.

"JIL? Yung laging champion kamo yon diba?" I asked Cess, our kapitana.

"Oo, sila yon." she sighed. "Kaya natin yan."

Ngumiti siya kahit na halata ang kaba niya. I am used to this part of every tournament because of my experiences sa London. Pero ang makitang kabado ang kapitana ng aming team ay medyo nagpakaba na rin sa akin. But I trust my team. I know we will do better than our best in our games.

"Everyone settle down!" Sir Therence shouted as he enters the Sapientia. Nagsiupuan ang mga pakalat-kalat na mga estudyante dito sa loob dahil sa sigaw niya. Natahimik rin kami.

"Thank you. Now... you will all go take your meals. Unang sasalang sa inyo ang basketball team men ng college sa DMDY habang ang women naman ay sa elementary campus, you will be escorted by our shuttle vans. Ang volleyball team naman ng college, second game kayo. After ng game ngayon kaya mag ready na rin kayo. Sa SHS.... mamaya pa kayo after lunch so may time pa kayo mag strategize or whatever."

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon