04

25 2 0
                                    

Closer

The last two days of our vacation happened so quickly. Tomorrow is the day, pasukan na.

It's not like I don't want to go to school. I just hate that I didn't spend my last days of vacation here doing fun things.

All I do is lay down on our couch, watch some boring TV shows and use my phone. Nakakabagot. Buti nalang din pasukan na bukas.

Na-banned sila Kuya sa court dahil sa nangyari noong nakaraan. Hindi na din muna sila naglaro nila Ryle dahil maghahanda na din daw sila para sa pasukan.

Nakarating din kay Mamu ang pag-aaway namin ni Jaever at ang pakikipag suntukan niya.

Sinumbong kami ni Javi.

Kila lola pa din siya naka stay ngayon. Hindi pa kasi bumabalik yung maid ni lola kaya wala pa din siyang kasama. Ayaw naman niya iwan yung bahay at dito nalang matulog sa amin.

Nasermonan kami pareho nila Mamu at lola.

But to be honest here, I'm grateful for that fight that we had. That night, nung nag away kami ni kuya, ang dami kong narealize sa sarili ko.

One of those realizations is that I'm a brat. I'm such a big brat. Hindi porket bunso ako at nag iisang babae sa'min ay dapat ganon na ko kila Kuya o kahit kanino man. Babawasan ko na din ang pagmura sa kanila. Alam ko naman na hindi na mawawala yon, pero kaya kong bawasan.

"Jah tara. Kukunin natin yung uniforms mo." Si Kuya Jammer na kakababa lang.

Ako naman ay nakahilata sa sofa at nags-scroll sa Facebook. Alas diyes palang ng umaga kaya tamad na tamad ako.

"Kailangan mo sumama para maipa-adjust agad natin kung may mali man." Dagdag pa niya.

"Sige Kuya. Wait lang magbibihis lang ako." Sabi ko at tumayo na.

Nagpalit ako ng shorts at t-shirt. Magtsi-tsinelas nalang din ako.

"Tara na." Aya ko kay Kuya Jam.

"Sama ko!" Si Javi.

"Kayo ba Kuya? Hindi na talaga papatahi para maihabol pa kung kaya." Sabi ko kay kuya Jammer at pumasok na sa loob ng kotse ni Kuya Jamiel na gagamitin namin ngayon.

Tinatamad or ayaw ni Kuya Jammer na gamitin yung mustang niya. Buti pumayag si Kuya Jamiel na yung kotse niya gamitin namin.

Speaking of Kuya Jamiel, palagi lang siyang nasa kwarto niya these days. Maghapon siyang nasa loob lang no'n. Lalabas lang pag kakain tapos babalik agad. Javi said that Kuya is just busy nang tanungin ko siya. But sabi naman ni Kuya Jaever ay ang unusual daw ng mga kilos ni Kuya Jamiel nitong mga nakaraang araw nga.

I wonder what's with him these days.

"Nope. Kayo lang ni Javi. Hindi na kasi kasya yung uniform niya last year so nagpatahi na din siya ngayon. Yung amin kasyang-kasya pa."

Tumingin ako kay Javi na nasa tabi ko na ngayon at may kinakain na naman.

"Takaw!" Sabi ko sa kanya at natawa.

Suminghal lang siya sa'kin at kumain na muli.

"Late na late na ang pag-papagawa natin ng uniform Javs. Bukas na yung pasukan eh tas ngayon lang natin makukuha. Lalabhan pa yon." Sabi ko at sumandal sa upuan.

"Don't worry Jah, may dryer naman tayo sa atin kaya sure na matutuyo yon. And pag may mali don sa tahi ng uniform niyo like what I said earlier, ipapaayos natin kaagad." Kuya Jammer said.

Tumango nalang ako. Buti naman kung gano'n. Ayokong pumasok ng school nang hindi naka uniform bukas 'no. Pwede naman daw pero kahit na, mas maganda yung nakauniform na agad.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon