Prom
In your life as a student, is there a time when you are really so damn excited about going to school? Like, pag uwi mo, hindi ka na makapag intay na mag umaga na ulit, para makapasok ka na.
Because that feeling, is what I'm feeling everyday recently. Kung dati ay halos bakabakin ako nila kuya mula sa kama para lang pumasok, ngayon ay iba na. Ako pa mismo ang bumabakbak sa kanila sa pagkakatulog para lang maaga kami makapasok.
It's been two months since Kalen started courting me. Sa nagdaang dalawang buwan, hindi ata ako nale-late sa pag gising sa umaga. Kada umaga ay excited na excited akong pumasok sa school para makita siya.
Pumunta si Kalen sa amin, mga four times na. Una ay iyong sinabi na niya formally kila Mamu at Paps na kavideo call namin, at sa mga kapatid ko ang pangliligaw niya sa akin. Tapos 'yong mga sumunod na beses naman ay para tulungan ako sa mga assignments ko at dalan ako ng kung ano-ano.
He always go to school very early din para abangan ako sa gate at ihahatid niya ko sa room ko kahit na sa kabilang dako pa ng campus at pinaka likod ang building namin. Pag lunch ay susunduin na niya ko sa room at sabay na kaming kakain. Kasama na namin siya lagi nila kuya.
Tahimik lang sila kuya Jaever pag lunch. Silang tatlo lang nila Mav at Ryle ang nag uusap kaya naman payapa na kaming nakakapag usap ni Kalen.
I don't know if he's okay to us, pero hindi naman na siya nagsalita pa nung sinabi ko sa kanila ang pangliligaw ni Kalen sa akin. Kahit na nung nagpunta sa'min si Kalen, he is behave. Maybe he do realize that I am now a grown-up lady na kaya na magdesisyon para sa sarili.
Pakiramdam ko ay namula ako nang makita siya sa second floor ng building na katapat lang ng DMDY, naka tukod ang mga braso sa harang at nakapangalumbaba habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at kumaway kay Kalen. Ngumiti rin siya at kumaway.
"Ganado na maglaro si Jah niyan." Sabi ni Ces.
Sobra.
"Kayo na ba?" Tanong ng isa ko pang teammate.
"Hindi pa." Umiling ako.
"Hindi mo ba gusto?"
Ngayon ay nakapalibot na sila sa akin at nahinto sa pag wawarm-up.
Ngumuso ako, "Gusto." Sabi ko sa mahinang boses. Pakiramdam ko ay naririnig ito ni Kalen, kahit hindi naman. Nilingon ko siya at gano'n pa rin ang pwesto niya. And still looking at me.
"Eh bakit hindi mo pa sinasagot? Gaano katagal na ba siyang nanliligaw?"
"Two months."
"Tagal na rin. Bakit ayaw mo pa sagutin? Eh gusto mo rin naman pala siya."
Napa isip ako ro'n. Oo nga. Gusto ko rin naman siya.
"Ano ba kayo, wag niyo ipressure si Jah. Baka humahanap pa siya ng perfect timing." Ani Ces.
"Sa prom! Malapit na yon."
"Oo nga Jah! Nakakakilig yon, habang sinasayaw ka niya sagutin mo na siya."
"Kailan ba ang prom?" Tanong ko.
"Ay naku, hindi nagbabasa ng school calendar. Next next week na."
I consider it. Gusto ko nang sagutin si Kalen at maganda ngang timing ang promenade. Romantic iyon, sa tingin ko.
Nang one week nalang bago ang pinaka iintay ng halos lahat na event, puro iyon na ang laman ng usapan sa buong DYCI.
"May isusuot ka na ba?" Tanong ni Kai. "Wala pa ako!"