Suntukan
11 am na nang nagising ako kinabukasan. My sleep last night was so good.
Naghilamos lang ako ng muka at nag-toothbrush bago bumaba.
"Goodmorning manang. Saan po sila kuya?" Humikab ako.
"Nasa likod sila Jaever. Kumain ka na Jah."
"Sige po." Kumuha na ko ng mangkok at kutsara tsaka umupo na. Nilagyan ko ng cereals at gatas yung mangkok, di ko trip kumain ng kanin ngayon. Nasa kusina ako ngayon at dito sa counter ako kakain.
Nakatitig ako sa kawalan habang kumakain ng cereals nang biglang may humipan sa kanang tenga ko.
Lumingon ako ngunit wala namang tao. Oh shit, may multo ba dito?!
Kinikilabutan na ko kasi walang tao pero naramdaman ko talagang may humipan sa kanang tenga ko.
Naaalala ko tuloy yung kwento ni Javi sakin na may nakita daw sila ni Thierry, yung pinsan kong lalaki, na multo dito. Hindi ko pinaniwalaan kasi may pagka praning din yung dalawang yon.
"Boo!" Biglang may nagsalita sa kaliwa ko kaya napamura ako ng malakas.
"Ay gago!" Gulat na mura ko at muntik pang matapon yung kinakain ko.
Buti nalang at mahigpit ang hawak ko sa mangkok kaya di ito natapon. Napahawak ako sa aking dibdib at nilingon kung sino yung nagsalita.
"R-Ryle?" Gulat na sabi ko nang makita ang nakangising muka ni Ryle.
"Nagulat ba kita? Sorry Jahzara." Sabi niya nang nakita ang gulat sa muka ko. Humilig siya sa counter at tumabi sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at pasimpleng inayos ang buhok. Please, sana hindi ito buhaghag ngayon.
"Lalaro kami nila Jaever. Diyan lang sa may court ng village niyo. Sama ka?"
Nag-alangan pa kong harapin siya na nasa gilid ko kasi kakagising ko lang. Hindi pa ko nanalamin kanina shit.
"Uhm-" Sasagot na sana ko kaso biglang naputol ang sasabihin ko nang pumasok si Kuya Jaever.
"Hoy Ryle apaka tagal mo naman—Hoy anong ginagawa niyong dalawa!?" Lukot na naman ang muka niya.
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. "Nag-uusap Ver." Sabi ko.
"Chill dude, we're just talking!" Natatawang sabi ni Ryle.
"Anong pinag-uusapan niyo?" Kunot-noong tanong pa din ni Jaever. Lumapit na siya sa'min.
"I just asked her kung gusto niya sumama satin sa court." Si Ryle na ang sumagot.
Madilim pa din ang tingin niya sa amin, tila hindi kumbinsido sa sinabi ni Ryle.
"Totoo yon kuya. Tinanong lang niya ko kung gusto ko sumama sa inyo." Sabi ko at nagpatuloy nang kumain.
Nanliliit pa rin ang mata niya na madilim ang titig sa amin. Ewan ko sayo Jaever, para kang baliw.
"Anong ganap dito?" Tanong ng isa pang lalaki na kapapasok lang sa loob ng bahay, galing sa may garden.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino yon.
Si kuyang chismoso sa mall!
Tumingin siya sakin at ngumisi. Hindi ko man lang makitaan ng gulat ang muka niya samantalang ako ay kulang nalang pasukan ng langaw ang bibig dahil sa pag nganga.
"Hoy Jah anong ngina-nganga nganga mo dyan?" Si Jaever.
Tinuro ko si iyong chismoso na mas lalong lumaki ang ngisi.