Merry Christmas
Iniwasan ko si Mav.
Ever since that Paskuhan, something is bothering me. Hindi ko lang alam kung ano iyon. Basta one thing I know, it is about him. Kaya iniiwasan ko siya.
Just like now.
Diretso lang ang tingin ko kay Jaever.
Hindi ko alam kung bakit nandito sila sa building namin eh may sariling party naman sila. Hindi kaya may pinopormahan dito 'tong mga 'to? My brow raised with my thoughts.
It's the year-end party of the students today. Last day na ng pasok for this year! Bakasyon na bukas!
"May party kayo ah? Bakit ba nandito kayo?" I ask them pero si Jaever at Ryle lang ang tiningnan ko.
I show my iritated face nang maramdaman ko ang titig niya.
"Bawal ba kami dito? Tsaka bakit ba ang sungit mo ha?" Kunot noong tanong ni kuya.
"Bawal kayo dito!" Binalewala ko ang huli niyang sinabi.
"Eto na! Aalis na! Just checking on you. Baka mamaya ay may nag aabot na ng gifts sayo na lalaki." Mataman na sabi ng kapatid ko.
"O e ano naman kung meron?" Nanghahamon kong sabi. Ngumisi ako.
"Meron na ba?"
Tumipid ang ngisi sa labi ko nang magsalita si Mav. Unti-unti ko siyang nilingon. He is staring at me blankly.
I look away.
"W-wala pa." Tumikhim ako. "Umalis na nga kayo! Pag kayo nahuli dito, yari kayo kay sir Terrence."
Ayaw pang umalis ng kapatid ko dahil gusto daw niyang magbantay kung may magbibigay nga sa akin. Mav just drag his ass para mapalayas. This Jaever! I can't with him. Napapailing nalang ako.
Sa room lang ginanap ang year-end parties ng bawat sections. Kanya-kanyang programs lang at parlor games, then exchange gifts, tapos kainan. I got a perfume sa exchange gift namin. I gave Ivan, na siyang nabunot ko, an Adidas tee.
Palabas na ako ng room dahil tapos na ang party nang makita iyong mga grade 12 na lumapit sa akin noon sa parents lounge. Nasa tapat sila ng room namin. Iyong dapat ay lalapitan ako ay may dalang regalo.
I breathe out. Okay, Jah, calm down. Hindi naman para sa'yo yan.
I walk cooly.
"Jahzara!"
Halos mapatid ako nang tawagin ako ng isa sa kanila. I turned around and fake a smile. This isn't good. I don't want this.
"Hello Jahzara!" Ngisi nung may hawak ng regalo. "Para sa'yo pala!" sabay abot nung regalo.
"Oh..." I have the most fake smile right now. I appreciate this and thank you. But I can't accept this. You...y-you don't have to give me this."
Nawala agad ang ngisi ng lalaki sa harap ko.
"Sige... uh... u-una na po ako." Tumalikod ako at naglakad na palayo doon pero may humigit sa braso.
Great. It's the boy of course.
Iritadong tumingin ako sa kamay niya sa braso ko. He didn't get it though. He's still holding me and giving me the gift.
"Sige na Jahzara! Tanggapin mo na!" Inabot niya uli sa akin ang hawak.
"Oo nga. Nahirapan kami sa pagpili niyan ah!"
"Kunin mo na! Dami may crush sa tropa namin pero ikaw ang gusto niya!"
"Tatanggapin na yan! Tatanggapin na yan!" His friends sulsoled.
I effing hate this.
Pag tinanggap ko 'to, baka ligawan ako nito at ayoko mangyari yon. Pag di ko naman tinanggap, hindi ako tatantanan nitong mga 'to.