07

23 1 0
                                    

Practice

Pagpasok ko sa classroom, agad kaming hinatak ni Harry papunta sa pwesto ng upuan niya. Si Ivan ay parang wala lang, bukal naman kasi sa loob niya yung pagsali. Ako naman ay naka simangot.

"Ano gagawin namin Harry babes?" Tanong ni Ivan kay Harry at umupo na sa tabi nito. Tumayo naman ako sa may gilid ni Ivan.

"Ayon nga, naisip ko at ni Ma'am na ang talent mo Ivan eh magsasayaw ka syempre. Boses palaka ka kaya sayaw nalang. Kung may iba ka pang talent sabihin mo para mapag usapan natin."

Tumingin naman si Ivan sa kisame at nag isip.

"Paupuin mo nga si Jah!" Sabi ni Harry sa kanya.

Napabalikwas naman siya at tumayo.

"Sorry Jah, upo ka na.." Nilahad niya sa'kin yung upuan.

"Hindi, okay lang. Sige na maupo ka na. Ayokong nangangawit ka eh," sabi ko at nag ngiting aso.

"Tengkyow!" Umupo uli siya sa upuan.

Napailing nalang si Harry at tumayo.

"Jah, maupo ka na. Nakakahiya naman sa isang lalaki diyan." Pagpaparinig niya kay Ivan.

"Sino? Ikaw?" Inosenteng tanong ni Ivan.

Umupo na ko sa tabi niya at si Harry naman ay nakatayo na ngayon sa harap namin. Inirapan lang siya ni Harry bago nagpatuloy sa sasabihin.

"Ano Ivan? May iba ka pa bang talent?"

"Wa...la," Mahabang sabi niya. "Pogi lang talaga ko tsaka magaling mag basketball, yon lang eh."

"Magsayaw ka nalang talaga. No choice ka."

"Ano naman sasayawin ko? Wag macho dance ah! Pag ganon wag nalang."

Nginiwian namin siya ni Harry. May saltik din talaga 'tong isang 'to eh.

"Tanga! Nasa school tayo kaya ba't ka mag-gaganon? Basta kami na magtuturo sayo, may makakasama ka naman sa stage don't worry. Basta yon ang iyo ah? Sayaw."

Bumaling sa'kin si Harry ngayon.

"At sayo naman Jah, alam ko naman na magaling kang kumanta kaya iyon nalang o baka may iba ka pang talent?" Umiling naman ako. Hindi ako magaling sumayaw, o kung ano pa. Volleyball at kanta lang talaga ang kayang-kaya ko.

"Kaso naisip ko, maganda din kung hindi lang kanta. Sanay ka ba mag play ng kahit anong instrument?"

"Uh.. hindi eh. Tuturuan palang ako ni Kuya Jammer, acoustic guitar."

"Ay oo nga pala! Member si Fafa Jammer ng banda. Kailan ka daw kaya niya matuturuan?"

"Hindi niya nasabi eh. Mamaya pag nagkita kami, tatanong ko sa kanya."

"Sa sports wear niyo naman, you guys will be auto racers!" Sabi ni Harry at pumalakpak.

"Sabi nga ni Kaicel na naglalaro ka daw ng volleyball Jah kaya baka pwede daw iyon para may isusuot ka na at ito din si Ivan sana, eh kaso may nasagap daw 'tong si Ivan." Dagdag pa niya habang nanlalaki ang mata sa katabi ko.

"Yon lang, yun na costume ng section nung kalandian ko. Okay na din naman ang auto racers ah! Cool and unique natin do'n Jah!"

"May kakilala ako na mahihiraman natin ng damit, kaya wag na kayong mag-alala." Nakangiting sabi ni Harry sa amin.

Tumango kami ni Ivan sa kanya, sinabi pa niya na mag sisimula na kami ng practice para sa model mamayang recess. Magpapabili nalang daw siya ng pagkain sa mga classmates namin kaya hindi na kami pupunta ng cafeteria.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon