Friends
Pagtapos na pagtapos ng first game, agad na nag warm up ang Laplace. Habang kami? Ayon nagkakagulo pa sa kung sino ang mga maglalaro.
"Ayoko nga! Baka tamaan pa ko ng bola sa muka." Pag ayaw ni Nina.
Pinapanood ko lang silang magtalo habang nagsusuot ng knee at elbow pads.
"Arte mo naman, Nina. Eh wala naman ng masisira pa dyan sa muka mo." Ani Kaicel.
"Anong sinabi mo?" Inis na tanong ni Nina.
Oh God. Please lang, sana hindi na sila mag-away. Ilang minuto lang ang warmup at hanggang ngayon ay nandito pa rin kaming lahat sa bleachers, nagtatalo.
"Uh, facts." Nagkibit balikat si Kaicel. Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa pagpatol niya.
"Hey, tama na nga yan." Pigil ni Ivan. "Wala si ma'am kaya we're on our own right now. Tingnan niyo ang Laplace na yan, ngingisi-ngisi ang mga loko dahil nakikitang nagtatalo pa tayo rito."
Nilingon ko ang mga nagwa-warm up sa court. They're doing some pepper drills. Pero nang makita noong isang player nila na nakatingin kami, nagulat ako nang bigla silang gumawa ng play. She digs the ball to their setter at tsaka niya ito pinalo. Dinig sa buong court ang lagapak ng bola dahil sa lakas ng palo niya.
"Ey!" Sigaw nilang lahat.
"Ang yayabang ng mga putanginang 'to." Malutong na sabi ni Kaicel.
"Guys! Kailangan na nating magpasa ng first six at pwede ba girls? Mag warm up na kayo!" Si Harry na stress na naman.
"Jah! Ba't di pa kayo nagsisimulang mag warm up?" Tanong ni Jaever na kadarating lang galing ng cafeteria. Kasunod niya si Mav at Moli.
"At tsaka nasaan ang teacher niyo?"
"Wala si ma'am, kuya Jaever." Sagot ni Ivan. "Umuwi at may emergency daw sa bahay eh."
"May first six na ba kayo?"
"Wala pa."
Luminga-linga si Jaever sa amin.
"Maglalaro na nga ako!" Napatingin kami sa nagsalitang si Nina. "Kuya Brennon, ikaw nalang mag coach sa amin. Magaling ka rin naman mag volleyball eh."
Napangiwi ako. Kanina lang ayaw niya, ah?
"Haliparot." Bulong-bulong ni Kaicel sa tabi.
Pumayag kaming lahat na si Jaever nalang ang tumayong coach namin sa ngayon. Iyong mga kaklase ko na kanina ay ayaw maglaro, ngayon ay nag uuna-unahan na sa pagsulat ng pangalan doon sa papel na ipapasa sa mga officials.
"Warm up na!"
Tumingin ulit ako sa mga makakalaban namin. Mga naka ngisi sila habang nanonood sa amin.
"Jah, pepper kayo ni Mav." Tumango ako kay Jaever at hinarap na si Mav. Nakita ko sa likod niya si Moli na naka upo sa bleachers at kinukuhanan siya ng litrato gamit ang cellphone.
"You play this too?" Tanong ko sa kanya.
He smirked. "Medyo lang."
Unang palitan palang namin ng bola ay kita ko agad na marunong siya. No, hindi lang marunong, he's good at this!
"You're good at this Mav. Niloloko mo ko!" Natatawa kong sabi sa kanya habang sinasalag ang mga palo niya na hindi gano'ng kalakas. "Don't be easy on me! I can handle your spikes even if it's strong, ano!" Pagyayabang ko.
Pinaluan ko siya ng malakas nang bigyan niya ako ng set. I want him to go hard on me. Magaling siyang maglaro at ginaganahan ako pag ganoon.
"Ouch!" Daing niya at natawa nang salagin ang palo ko. He received it easily and perfectly!