In Too Deep
I survived the first week.
It's not that hard to adapt in my new environment here in the DYCI naman pala. I'm still adjusting but it's not hard. And there's a lot of fun activities that we do in the first week. Ang gaganda pa ng mga tambayan spots dito sa school.
"Bili lang ako sa cafeteria saglit," paalam ko kay Kaicel at Ivan na may pinapanood na movie sa laptop.
We're sitting here in a bench near our building. Wala kaming teacher ngayon dahil absent kaya may isang oras kami para tumambay lang.
"Libre mo ko Jah!" Ani Ivan na hindi matanggal sa pinapanood ang paningin.
Ivan is our classmate na nakilala ko lang nung Friday. Noon lang kasi siya pumasok. Teammate siya ni Kuya Jaever. Wala siya nung nangyari yung gulo doon sa court ng village namin. He's nice but napaka harot. Lagi pang binubwisit si Kaicel. Madalas namin siyang kasama ni Kaicel.
Pagdating ko ng cafeteria ay halos walang tao. Hindi naman kasi break time eh. Ako at yung mga staffs nalang ang laman nito.
"Tatlo pong Coke and donuts." Sabi ko sa tindera sabay abot ng pera.
"Paantay nalang hija, kukunin ko pa kasi sa stock room yung iba pa. Dalawa nalang pala yung andito eh."
"Sige po." Umalis na yung tindera para pumunta sa stock room.
May narinig akong nag strum ng gitara. Lumingon ako sa likod at may isa pa palang estudyante na andito. Naka upo siya sa isang table sa pinaka sulok at may hawak na gitara.
He's looking down kaya hindi ko makita ang muka niya.
Akala ko ay mag-gigitara lang siya pero kumanta rin siya kalaunan.
"Used to be scared of the ocean
'Cause I didn't know how to swim.."
Patuloy siya sa pag-gigitara at pagkanta.
Humarap na ko ng tuluyan sa kung nasaan siya.
"I took one sip of your potion
Now I'm just divin' right in,"
Grabe. Ang ganda ng boses.
"I heard your siren's call, it was beautiful
I am drowning, God, please don't save me
I'm in too deep
Can't touch the bottom with my feet
Don't know what you did to me, I can't breathe but I'm living
I'm in too deep
Can't touch the bottom with my feet
Don't know what you did to me, I can't breathe but I'm living
I'm in too deep.."
Huminto siya sa pag tugtog at pagkanta.
He lifted his gaze and met my eyes.
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Sobrang seryoso ng kanyang mga mata.
Kinilabutan ako ng biglaan.
Napakurap ako ng ilang beses bago tumalikod.
Nakakahiya baka isipin nito tinititigan ko siya.
Narinig kong may mga yabag na papalayo kaya lumingon uli ako sa likod.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang lumabas na pala ng cafeteria yung lalaki dala yung gitara niya.
Sakto naman na dating ng tindera dala yung isa pang kahon ng donuts.