Tired
It's past 11 in the morning when I woke up the next day. Hinagilap ko agad ang cellphone ko. Ni hindi ko na nagawang humikab pang muli. Hinablot ko iyon sa lamesa sa gilid ko.
Bumagsak ang balikat ko. Umagang-umaga ay naiiyak na naman ako.
I stare at my flood messages for him.
I'm done. Paalis na kami. Ingat kayo!
Malapit na kayo? Dami ng tao dito and ang ingay na. We'll really have a good time here :)
The party has began.
Saan na kayo? Take care!
Is everything alright?
I will wait for you.
I feel pain in my chest. Akala ko, pag natulog ako, maiibsan ang naramdaman ko. I'm sure he has reasons. Reasons why he's not responding to me, reasons why he didn't come last night.
Pinunasan ko ang luha ko. I took a bath at nagbihis. I look at myself in the mirror, I still look miserable right now but this look will do. Halata ang halong puyat at pag iyak sa mga mata ko.
Nagulat ako nang madatnan hindi ang mga kapatid ko sa sala namin. The entire men's basketball varsity team in college is here in our house! Puro pawis, some were even topless, mga nakasalampak sa sahig at upuan namin while eating snacks.
Nilingon nila ako nang bumababa na ako ng hagdan. Agad akong ginapangan ng hiya. Don't effing stare at me!
I try to find Mav in the group pero wala siya. Even Ryle or my kuya. Nagtalo pa ang mga braincells ko kung aakyat ba ko pabalik ng kwarto or didiretso na ng baba. At the end, I continue to go down. I can still feel the stares of the people.
Parang nagliwanag ang mundo ko nang niluwa ng pintuan papuntang garden namin ang naka white sleeveless shirt at black jersey shorts. He's a bit sweaty too but he still look fresh tho. Lumapit ako sa kanya.
Ngumisi siya nang nagtama ang paningin namin. I look away.
"Saan si kuya?" Tumikhim ako at pinaypayan ang sarili. Bakit parang ang init ng panahon ngayon? Napa aga ba ang summer?
"They're outside. Susunod na rin yon dito."
Tumango ako. I wanna say something pero walang lumalabas sa bibig ko. Ilang segundo pa kaming nakatayo at nakaharap sa isa't isa pero walang nagsasalita. Naagaw lang ang atensyon namin nang may magsalita sa mga ka-team ni kuya.
"Kap pakilala mo naman si Lance sa kapatid ni Jaever!" Then they teased one of their teammate.
Kumunot ang noo ni Mav. "You already did. Jah heared that for sure."
"Lakad mo nalang daw Kap!"
Nag kantyawan pa sila lalo. Umirap ako nang palihim at bumaling kay Mav. Nagulat pa ako ng bahagya nang makitang nakatingin siya sa akin.
He smirked. Pinandilatan ko siya dahil doon.
"Lumpuhin ka pa namin ni Jaever para di ka makalakad ng literal e." Sabi niya sa kasamahan.
This man! Nagiging kagaya na siya ni kuya kung makapag salita ah!
"OHHHHHH!"
"Stop it. Jaever won't let you hit on her. He'll hit you first before you can do that, you know it." Aniya at humarap sa akin pagtapos ay kumindat. "Tell me if he bothers you Jah."
Natigilan ako sa hindi ko malamang dahilan. I blink a few times before shifting my gaze into somewhere.
"P-puntahan ko lang si kuya."