I wanna be a tutubi
Monday na naman, leche.
Tamad na tamad akong nakikinig sa teacher namin. Sabi na eh, sa una lang talaga masaya ang pasukan. Lahat naman sa una lang masaya.
Ikatlong linggo palang ng klase ay medyo mahihirap na topics na yung tinuturo. Buti nalang at magagaling magturo yung mga teachers namin at walang napag iiwanan sa klase. Lahat kami ay nakakasunod sa mga lessons.
"Jahzara anong club ang sasalihan mo?" Tanong ni Nina sa'kin.
"Ay close kayo?" Prangkang tanong ni Kaicel pero hindi naman narinig ni Nina yon.
"Baka sa Sports Enthusiasts Club," sagot ko.
"Oh? Sporty ka din gaya ni Kuya Jaever?" Gulat na tanong niya.
"Medyo lang."
"Ay sayang naman, akala ko makakasama ka namin sa Science club." Ani Trisha.
I smiled at them and turn to Kaicel. Nakasimagot siya habang nakatingin sa dalawa.
Simula kasi nung nalaman na kapatid ko sila kuya, nagbago ang pakikitungo nila sa'kin.
I don't mind it, pinakikisamahan ko pero I don't want to be friends with them. Feeling ko eh kaya lang sila gano'n dahil sa koneksyon ko sa mga gusto nila..
"So, ikaw, anong sasalihan mo?" Tanong ko sa kay Kaicel.
"Yun na nga, wala pa kong maisip. Required pa naman yon." Stress niyang sabi.
"Ano ba mga hilig mo?"
"Si Javi." Naka pout na sabi niya.
"Wala namang club na Javi dito eh."
"Bubuo ako! Ako ang founder!" Maligalig na sabi niya.
Napailing nalang ako. She can't be save.
"De joke lang. Naisip ko, sa Cooking & Baking club. Medyo hilig ko din ang mag luto kasi. Tapos alam mo na, si Javi taga tikim ko." Kumindat pa siya.
"Hindi kasi ko pinagpala sa lakas eh! Lampa ko di gaya mo. Gusto ko pa naman magkasama sana tayo." Malamyang sabi niya ngayon.
"Hindi din naman ako pinagpala sa pagluluto." Sabi ko at natawa.
"Andyan na si Ma'am!" Sigaw ni Gian. Siya yung kaklase kong laging nakaabang sa pinto at taga sigaw pag andyan na yung teacher namin.
Kumaripas naman ng takbo sa kanya-kanyang upuan yung mga kaklase ko. May mga nagmamadali pang pumasok galing sa labas.
"Grabe, parang ayoko na mag aral. Nakakatamad." Ani Kaicel habang nag iinat nang matapos na ang mga morning subjects namin.
Lunch na ngayon at papunta na kami ng cafeteria.
"Jahzara!"
Sabay kaming tumingin ni Kaicel sa likod para tingnan kung sino yon.
"O Harry, bakit?" Tanong ko sa kanya.
Kaklase namin siya ni Kaicel. Siya din ang president ng section namin.
"Ano kasi, baka gusto mo na ikaw yung mag represent sa section natin sa upcoming D'First Fest? Ikaw yung mag muse gano'n."
"Ha? Naku Harry wala akong hilig sa ganyan eh." Pagtanggi ko.
"Kami na bahala sa mga kakailanganin mo Jah, lahat pati sa mga isusuot at mag aayos. Kailangan lang talaga namin ng matinong muse. Kaya sana pumayag ka na please?" Sabi niya sa nagmamakaawang tono.
"Oo nga Jah. Ikaw nalang mag represent sa section natin," sulsol ni Kaicel.
"Hindi ako marunong sa mga ganyan. Sila nalang Harry. Madami pa naman tayong classmates na babae eh."