02

53 3 0
                                    

Request

Pagkatapos namin kumain ay nagpasya na kaming umuwi. Gusto pa sana ni Javi na mamasyal kaso di na kami pinayagan ni Jamiel. Ipapaayos pa kasi niya yung sasakyan niya. Tahimik ang naging biyahe namin dahil tulog si Javi at Jaever. Si Jammer naman ay nagsa-soundtrip lang habang ako ay nag people watching sa binatana ng kotse.

Bandang alas tres na ng hapon nang maka uwi kami sa bahay. Hindi na pumasok si Kuya Jamiel sa loob at umalis na para pumunta ng talyer.

Si Jammer ang nagbitbit ng mga pinamili naming school supplies. Dala-dala ko naman ang biniling knee at elbow pads.

Si Jaever ay dumiretso agad ng kwarto niya para magpalit ng damit panlaro dahil pupunta daw siya sa court ng village namin at gagamitin ang bagong biling bola. Excited much.

Humilata agad si Javi sa sofa sa sala pagpasok at sinimulan ng lantakan yung mga binili ko sa kanya. Inilapag ni Jammer sa lamesa yung mga bitbit niya.

"Baby J paabot nga ng remote, mag 3:30 na malapit na magstart yung pinapanood ko." Sabi ni Javi habang nakasalampak sa sofa ang ngumunguya ng gummy candies.

Inabot ko naman sa kanya ang remote at naupo sa tabing upuan niya. Nagpalipat lipat si Javi ng channels hanggang sa hininto niya ito sa isang hindi pamilyar na channel sa akin.
Pero yung palabas doon ay pamilyar sa akin.

"The Adventures of Jimmy Neutron, Boy Genius?" Tanong ko sa kanya. "Yan yung pinapanood mo Javs?"

Walang kakurap-kurap siyang nakatingin sa TV habang kumakain.

"Shhhh! Wag ka maingay Jah!" Nakakunot noong baling niya sakin at tumingin muli sa harap at nag ngiting aso habang nanonood. Kumikislap ang mata niya habang nakatingin sa kanyang harap.

"He's addicted to that series Jah. Walang episode ang pinapalampas niyan." Sabi ni Kuya Jammer at umupo sa tabi ko.

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Javi na busy pa din sa panonood. Seriously? Ito yung pinapanood niya? Jimmy Neutron?

Narinig ko namang humalakhak si Jammer sa tabi ko. "Cute mo Jah pag ganyan reaction mo." Kinurot pa niya yung pisngi ko.

"My god, Javi. Ewan ko talaga bat ganyan ka." I said to him pero di naman ako pinansin dahil busy nga siya sa panonood.

"What do you expect from him? Javi will always be Javi." Natatawang umiling si Jammer.

"Jimmy is a boy genius right? Ba't di ganon si Javi kung adik siya dyan?" Pabulong kong tanong kay kuya Jammer. Mahirap na baka marinig ni Javier eh sumpungin na naman 'to. Ayoko nang mapagastos uli.

Lumapit ng kaunti sakin si Jammer at bumulong din. "Hindi naman kasi si Jimmy ang nagaya niya. Kung di si Sheen." Nagpipigil tawa na sabi niya.

Muntik na din akong matawa. Ang tinutukoy kasi ni kuya ay yung isa sa kaibigan ni Jimmy na may pagka tanga.

Tinikom ko naman maigi ang bibig ko para di matawa ng tuluyan. Busy pa din naman sa panonood si Javi.

Umakyat mun ako papunta sa kwarto para makapag bihis na ng pambahay. Nagsuot lang ako ng jogging pants at spaghetti strap top. Bumaba din agad ako para samahan si Javi sa panonood. Makikinood nalang ako dito kesa maburyo ako sa kwarto ko.

"Jah ayaw mo sumama?" Tanong sakin ni Jaever pagbaba ko sa sala. Naka jersey shorts at open side muscle tee sando na kulay black siya. May dala-dala din siyang tumbler na may lamang energy drink ata kasi iba yung kulay eh. Dala din niya yung bagong biling bola.

"Sa court? Ayoko tinatamad ako lumabas eh. Next time nalang Ver." Sagot ko sa kanya at umupo na sa pwesto ko kanina.

"Sige. Pag naisipan mong sumunod text mo ko ah? Para masundo kita dito." Tinanguan ko siya at lumabas na siya ng bahay para pumunta ng court.

Love Back (Alejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon