Quiet
I stretch my arms... still looking at the girl na gusto makipagkilala kay Mav.
She is pretty. Matangkad, mahaba at itim ang buhok, matangos ang ilong at maputi rin. She also has this mole under her eye na kapansin pansin at mas lalong nagpadepina ng bilugan niyang mata.
Dumikit ako sa net nang iserve na ng teammate ko ang bola at ngayon ay nagseset na ang kalaban.
Binasa ko ang galaw ng setter nila.
Sa kanya ibibigay ang set!
Bumwelo na ako para sa block. We need to get the first point para maganda ang momentum namin.
Ngumisi ako.
Block ka sa'kin.
Hindi niya nilihis ang palo! Akala niya siguro ay hindi ko aabutan ang reach ng palo niya just because she is taller than me.
Girl, kaunti lang ang tangkad mo sa akin and I'm a fucking high jumper!
Nakitaan ko ng gulat ang mukha nung babae.
O ano?
"EY!" I shouted.
"Nice one Jah!"
"Solid no'n!" Papuri ng mga teammates ko nang magkumpulan kami sa gitna.
Ngumiti ako.
"Let's go Yanga, let's go! Let's go Yanga, let's go!" the crowd cheers.
I touch my high ponytail.
"Akala ko hindi niya aabutan eh! Sorry naman!" natatawang sabi nung babae sa middle blocker nila. "I'll make it right this time. Bibigyan ko ng isa. Ayokong napapahiya sa harap ni Relleja." At ngumisi pa sa'kin.
Pagkaserve namin, sa kanya ulit ang bigay ng setter. I saw how different her spike this time. Mas malakas! Nang tumama sa braso ko, hindi totally na-block. Tumawid lang papunta sa amin.
Kami na ngayon ang aatake.
Umatras ako pagka first ball. Come on Shane. Give it to me! Papakitaan ko lang ang babaeng 'to!
Shane seems to hear my thoughts. She gave me a set. I need to kill this ball. I need to get a point.
Nakita kong mabablock ako ng blockers ng kabila kaya I go for a drop ball since malayo ang defender nila sa likod.
Yes! Patay ang bola!
"Nice one!"
"Duwag!" sabi nung babae kaya napalingon ako sa likod. Naglalakad na siya papalapit sa teammates.
"Hey Jah! Don't mind Fiona. Hindi palakasan dito... Pautakan." Cess reminded me. Napansin siguro niya ang pagtagal ng titig ko doon sa babae.
"I know Cess." Ngumiti ako. "Tambakan natin."
Tumawa si Cess at tumango.
In my playing years sa London, I've encountered so many brats in the court. Iyong sobrang yabang at wala na sa lugar. And I can say, itong Fiona na 'to ang pinakamalala so far!
"Kikibo kayo!" Angas niya nang makapuntos.
Umirap ako at dumiretso sa mga teammates.
"Yabang puta. Lamang kaya tayo ng anim." ani Shane.
Natawa tuloy ako. Totoo naman kasi. Pero malay natin, it's their way of calming the atmosphere and lifting the team's spirit.
Tumawag ng timeout si coach dahil 3 to nothing run na.
Inabot ko ang Pocari Sweat ko mula kay Mav.
"Thanks." Ngumiti ako at nakisali na sa meeting.
"Great job girls! Pagpatuloy lang natin ang ganyan. Now.... I want to see you girls more energized! Pag nakapuntos, celebrate more! That's how we get the momentum! Gayahin niyo ang yabang ng kabila. Lamang tayo, remember that!"