Chapter 8

571 15 0
                                    

Hindi mawala ang tingin ko sa nasa harapan ko na salamin, hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin doon. Maayos na nakatali ang buhok ko sa ponytail habang isang simpleng puting t-shirt ang suot ko at sweatpants. Ilang araw na din ang nakalipas simula nang bumalik kami galing sa outing namin. Ngayon din ang liga para sa basketball sa bayan, pupunta ako ngayon doon dahil isasama ako ni Angela. 

Nawala ang tingin ko sa harap nang marinig ko ang dalawang beses na busina sa labas. Patakbo akong lumabas ng bahay at agad pumunta kung saan nakapark ang kotse ni Angela. Siya mismo ang nag bukas nito saakin at agad akong pumasok sa backseat kung saan din siya nakaupo. Ngumiti ako sakanya and ganuon din ang ginawa niya. 

"Salamat!" nakangiting sabi ko nang utusan nito ang driver nito na ibaba ang bintana. Nakasuot ito ng maikling skater skirt at isang puting tank top at puting rubber shoes. Napatingin ako sa hawak nitong puting cartolina, nang makita nito kung saan ako nakatingin ay bumukas ang bibig nito para sumagot. 

"It's a banner for Favio's team. Gumawa kami kagabi." hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil sumama pa din ako kahit wala naman akong ambag sa ginawa nilang banner. Hinawakan nito ang balikat ko bago muling magsalita. 

"Si Fare lang naman ang may gusto na may banner." sagot nito.

Nang makarating kami sa tapat ng basketball court ay agad kaming lumabas at pumasok sa loob. Hawak ni Angela ang pulsuhan ko habang naghahanap kami ng mauupuan kung saan kitang-kita ang laro mamaya. Madami na ang tao sa loob pero may mga bakanteng upuan pa naman. Umakyat kami sa bleachers kung saan walang nakaharng na kung ano-ano sa harap. 

"Hawakan mo lang ito tapos itataas mo kapag lumabas na ang team nina Favio!" nakangiting bulong saakin ni Angela. Napatingin ako sa entrance ng court nang makita ko na pumasok doon sina Fare, Angie, at Lizzy- mga kaibigan din nila. Agad tinaas ni Angela ang kamay nya para makita iyon nina Fare. Umupo sa tabi ko si Fare habang nasa kablang side ko naman si Angela. 

Katulad ni Angela ay may hawak din silang cartolina bilang banner nila. Nang magsimula na ay unang tinawag ang magiging kalaban nina Favio na mga apo ng pamilyang Lopez. 

"They're Favio's family business rival." hindi naalis ang mga mata ko sa mga lalaking iyon nang ibulong iyon ni Angela sa tenga ko. Matatangkad din ito at sa tingin ko ay may lahi din banyaga dahil sa mga kulay ng mga mata nila. 

"That's Colin Lopez, isa sa mga anak ng Lopez." turo nito sa isang lalaking nakasuot ng itim na jersey na may number sa likod na 10, sa tingin ko ay kasing tangkad lang ito ni Favio. Nang tinawag na ni ng announcer ang team nina Favio ay agad akong napangiwi nang biglang isinigaw ni Fare ang pangalan ni Favio. 

"Buksan mo na iyang banner mo." agad ko naman sinunod ang sinabi ni Angela at binuksan na nga ang banner, hindi ko alam kung anong nakasulat doon dahil natatakpan nito ang mukha ko, sa tingin ko ay "Go Favio" lang naman ang nakasulat doon. Nang sumilip ako sa gilid ng cartolina para makita si Favio ay malaki ang ngiti nito sa labi. He's wearing a white jersey with number 5 on his back, he wave his hand. My heart start pounding because of the next thing he did. He raised his both arms and made a heart sign using his arms.

Namula ang mukha ko dahil sa ginawa nito. Napaawang ang labi ko nang agawin ni Fare ang banner na hawak ko at itapon iyon sa kaharap namin na mga tao na ngayon ay natatakpan na ng banner ang ulo. Narinig ko ang mahinang mga reklamo ng nasa unahan namin dahil sa ginawa ni Fare. Nang tumingin sila saakin ay agad akong yumuko para humingi ng paumanhin. 

Napatingin ako kay Angela na may mapanuksong ngiti sa labi dahilan kung bakit nang-init ang mukha ko. Nang magsimula na ang laro ay sa unang quater ay nangunguna ang mga Lopez. Hindi ko maiwasang hindi kabahan baka matalo sila. Nang mapunta kay Favio ang bola ay humigpit ang hawak ko sa dulo ng damit na suot ko. Pumalakpak ako nang pumasok iyon sa ring, hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko. 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon