1 year later...
Hawak ko ang timba na may laman ng mga labahin ko ngayon. Balak kong mag laba sa ilog ngayon habang nasa bukid pa si mama. Anihan kasi ngayon kaya madalas nasa bukid si mama.
Nang makarating ako sa ilog ay agad akong umupo sa malaking bato doon at naramdaman ko ang preskong tubig ng ilog. Nag simula akong mag basa ng mga damit.
Habang nag sisimula nang mag laba ay napahinto ako nang marinig ko ang mga tawanan sa hindi malayong parte ng ilog. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang mga babae na tumatawa habang nakasuot ito ng bikini. Mukhang maliligo sila sa ilog.
Nakapwesto sila sa malayo saakin at kung saan nanggagaling ang tubig. Sa kutis nila ay masasabi mong isa sila ng sa mga anak ng mayaman sa bayan. Nag iwas ako ng tingin at pinag patuloy ang pag laba.
Nawala ulit ang tingin ko sa labahan ng marinig ko ang mga boses ng mga bagong dating. Kasama nito si Fare na anak din ng mayaman sa bayan at si Garrett na kaibigan nito.
"What the fuck! " narinig kong mura ng nasa likod nila. His deep voice sent shivers down to my spine. It's been a year since the last time I saw him and now he's here. Simula nang makita ko itong nag susuka mula sa Halloween party nila ay hindi ko na ulit ito nakita.
Nakahubad ang pantaas nito kaya malaya kong nakakita ang matigas nitong tiyan. I gulped hard before looking away. Sa tingin ko ay kaya ito nag mura ay dahil muntik na itong madulas mula sa mga bato.
Bumalik ang hagikhikan ng mga babae kanina. I looked at them in my peripheral vision and I saw Favio swimming with his friends.
"Sabi ko na dapat sa Nagsipit nalang tayo. May nag lalaba pala dito. " narinig kong sabi ni Fare. Malakas ang pag kakasabi nito na mukhang gusto nitong marinig ko ang pag rereklamo niya. Hindi ko ito pinansin at nag patuloy sa pag lalaba. Umusog ako ng kaunti palayo sakanila para hindi na ito mag reklamo pa.
"Shut it, Fare! Hindi mo naman ito pag mamay-ari! " napahinto ako nang sabihin iyon ni Favio. Bakas sa boses nito na seryoso ito sa sinabi nya. Hindu ko na narinig ang sinagot ni Fare dahil nagpatuloy na ulit ako sa pag lalaba.
Tawanan at sigawan ang naririnig ko habang nag lalaba ako. Mukhang nag e-enjoy sila sa ilog. Hindi madalas pinupuntahan ng mga tao ang ilog na ito dahil masyadong liblib. Pero ako gustong-gusto ko dito, tahimik at tanging tunog ng tubig ay ilog lang ang tangi mong maririnig.
Napatingin ako sa pwesto ng mga kaibigan ni Favio at nakita ko itong kausap ang isang babae kanina. Nakapuluot ang kamay by babae sa balikat ni Favio habang may ngiti sa labi nito. I heard Favio laughed because of what the woman said. Sa lahat ng apo ng El Salvador sa tingin ko ay si Favio ang madalas tumawa sakanila at maraming kaibigan. I envy him.
May binulong ito sa baba at nakita ko ang pag tango ng babae bago lumangoy palayo. Nag tama ang mga mata namin ni Favio pero hindi iyon nag tagal dahil agad itong nag iwas ng tingin. Sa tingin ko ay hindi nito maalala dahil sa kalasingan noon at baka nakalimutan na ako nito dahil matagal na iyon nangyari.
Buhat ko ulit ang timba na may laman ng mga labahan. Balak ko nang umuwi para dalhan si mama ng tanghalian nito sa bukid. Napadaan ako sa pwesto ng mga kaibigan ni Favio.
"She's weird! " narinig kong bulong mo Fare pero sapat na para makaabot sat tenga ko.
Medyo mainit na din ang sikat ng araw. Dire-diretso akong nag lakad paalis sa ilog. Naramdaman ko ang pag sunod nila saakin na sa tingin ko ay aalis na din sila. I heard them laughed but I didn't hear Favio's voice. Nang makarating ako sa bahay ay nakasakay na sila sa kotse nila. I glance again at their direction and I saw Favio looking at me.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
Algemene fictieEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...