Chapter 14

531 16 0
                                    

Hapon na nang makarating si Favio sa bahay namin. Napaaga ang dating nito habang may dalang mga libro. 

"Tungkol saan ang mga librong 'yan?" tanong ko sakanya habang nasa sala kami at umiinom ng juice na hinanda ko.

"It's from our library. I think it might help you. " napangiti ako dahil sa sinabi nito. Kinuha ko ang mga libro na iyon at tiningnan ko ang table of contents. May mga ibang lesson nga na meron doon sa librong dala nito.

Nawala ang tingin ko sa libro nang may pumasok sa bahay namin. Isang ngiti ang bumungad saamin nang pagpasok ni Cassian sa loob ng bahay namin. Napahinto ito sa tapat ng pinto namin nang makita nito si Favio sa tabi ko.

"Cassian, pasok ka para makapagsimula na tayo. " sagot ko sakanya. Nawala ang ringing nito kay Favio at naglakad papunta sa left side ko at doon umupo habang si Favio naman ay nasa right side ko pero nakaupo lang ito sa sahig habang may dala din itong mga notebook.

Nag simula kaming mag-aral ni Cassian. Minsan ay may mga tanong ito na agad ko namang sinasagot. Kung nahihirapan ako sa isang subject ay tinutulungan naman ako nito. Nanatiling tahimik si Favio buong oras na nag-aaral kami. May binabasa din ito na lesson sa notebook nya.

Napatingin ako sa sulat-kamay nito. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil sa ganda ng penmanship nito. Hindi mo aakalain na lalaki ang may-ari ng notebook nya. Bumalik ako sa pagsulat sa notebook ko nang maramdaman ko na sinandal ni Favio ang ulo nya sa hita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sakanya.

Umangat ang tingin nito saakin. "Mabigat ba? " seryosong tanong nito habang nakatingin saakin. Wala sa sarili akong umiling. Ngumiti ito bago ibalik ang tingin sa notebook.

"Pasintabi naman sa nag-aaral dito  " napangiti ako nang bigla iyong sabihin ni Cassian. Hinayaan ko si Favio na humiga sa hita ko habang nagbabasa ito sa notebook nya.

Sa ilang oras pa ang nakalipas ay nilalaro na nito ang dulo ng buhok ko habang nakatingin pa din ang mga mata sa librong binabasa nito.

"Hay! Salamat tapos na! " sigaw ni Cassian nang matapos kami sa ginawa naming mga activities sa school. Ngumiti ako sakanya habang inaaayos ang mga notebook at librong ginamit ko.

Nang dumating ang dapit hapon  ay umalis na din kaagad si Cassian dahil may trabaho pa ito. Naiwan kaming dalawa ni Favio sa sala ng bahay namin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig at agad lumipat sa labi ko. Hiniga nito ang ulo na kandungan ko.

"When is your birthday, Ascella? " he asked me. Maging ako ay hindi alam kung kailan ang birthday ni Favio.

"August 5" I answered. Napatingin ito saakin habang malawak ang ngiti sa labi nito. I'm playing with his hair when he sat up and look at me. He cupped my face using his hands.

"Malapit ka na mag 18!" nakangiting sabi nito. Tinanggal ko ang kamay nito sa pisngi ko bago magsalita. "May pasok sa birthday ko kaya baka hindi na kami maghanda ni mama. " sagot ko sakanya.

Natahimik ito dahil sa sinabi ko at sa tingin ko ay malalim ang iniisip nito. Tumayo ko para ligpitin na ang mga pinakainan namin at para na din hugasana iyon. Habang nag huhugas ay narinig ko ang mga yapak ni Favio na papasok ng kusina.

A strong arms wrapped around my waist. I can smell his natural scent and his manly perfume. He rest his chin on my shoulder. I can feel his hot breathe touching the back of my neck.
"Umupo ka nalang doon. Mapapagod ka lang kakatayo dyan sa likod. " saway ko sakanya. Hindi ito gumalaw sa pwesto nito at nanatiling nakayakap sa bewang ko.

"I won't get tired watching you wash the dishes, Ascella. " he whispered. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan nang sabihin nya iyon.

Nanatili kami sa ganuong posisyon. Hinayaan ko na sya dahil makulit sya at hindi ako sinusunod. Patapos na akong mag hugas ng pinggan nang makita ko si mama na kakapasok lang ng kusina. Namula at nakaramdam din ako ng hiya nang makita ko ang pag awang ng labi nito habang nakatingin kay Favio na nakayakap pa din sa bewang ko.

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon