Kumatok ako sa kwarto ni Ate Nez, tanghali na kasi at hindi pa ito lumalabas sa kwarto niya. Sabi ni mama ay hayaan lang dahil baka napagod sa trabaho kagabi, pero hindi naman tinatanghali ng ganito si Ate Nez. Nag aalala din ako dahil baka mapano ang baby niya. Nang hindi sumagot si Ate Nez na katok ko ay binuksan ko ang pinto at agad bumungad saakin ang magulong kwarto ni Ate Nez.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang basag na salamin sa sahig. Agad akong pumunta sa nakasaradong pinto ng banyo nito at agad binuksan iyon. Bumungad saakin si Ate Nez na puno ng luha na piano habang may hawak na isang piraso ng basag na salamin. Agad akong lumapit sakanya at inagaw iyon.
"Ate Nez! " gulat kong tawag sakanya. Umangat ito ng tingin saakin at sunod-sunod na pumatak ang mga luha. Umupo ako sa tabi nya at agad itong niyakap. Hindi ko din maiwasang hindi maluha habang yakap ito.
Tiningnan ko ang buong katawan nito kung may sugat. Agad kong tinawag sina Cassian at mama nang makita kong dumudugo ang pulso ni Ate Nez. Naunang dumating si Cassian at bakas ang pag aalala at gulat sa mukha nito habang nakatingin kay Ate Nez.
Nakasandal pa din saakin si Ate Nez. "Dalhin natin sya sa Hospital. " dali-dali kong sabi. Agad lumapit si Cassian at binuhat ang kapatid. Mabuti nalang at madali kaming nakasakay ng taxi. Nasa waiting area na kami ng Hospital at hinihintay nalang ang sasabihin ng doctor.
Kanina pa paikot-ikot si Cassian at hindi mapakali. Naiintindihan ko naman sya dahil kapatid nga iyon. Nang lumabas ang doctor ay agad kaming tumayo.
"The patient is resting. Nalaman namin na buntis ang pasyente," Hindi ko na nasundan ang sasabihin ng doctor nang biglang tumunog ang cellphone ko at agad bumungad saakin ang pangalan ni Favio. Agad kong sinagot ang tawag at lumayo mula kina mama.
"Hi! " bungad nito.
I cleared my throat. "Hello! " I answered.
"Are you ok? " takang tanong nito.
"Oo naman. "
"You sound so different. Are you sick? " Siguro dahil iyon sa sipon ko dahil sa pag iyak kanina.
"Ok lang ako. Andito kami sa hospital -"
"What?! " nilayo ko ang cellphone ko mula sa tenga ko nang marinig ko ang sigaw nito sa kabilang linya.
"I'm coming! Don't move, okay? I'm coming! Sir, may meeting pa-" huli kong narinig ang tawag ng isang empleyado ni Favio bago nito ibaba. I bit my lower lip, bakit kasi hindi nito pinatapos ang sasabihin ko.
Huminga ako ng malalim bago bumalik sa pwesto nina mama. Wala na doon ang doctor. Bakas sa mukha nila ang gulat. Nagtama ang mga mata namin ni Cassian at agad itong lumapit saakin.
"Kailan pa sya buntis? " agad-agad na tanong nito.
"Sabay kami. Dalawang buwan na din syang buntis. " mahinang sagot ko.
"Kay Kylan ba? " tumango ako. "Asan si Kylan? Bakit nag kakaganito si Ate Nez? " tanong nito.
"Ilang buwan nang hindi nag papakita si Kylan kay Ate Nez. Sabi ni Ate Nez saakin noong isang araw ay nacontact nya na si Kylan, kaya hindi ko din maintindihan kung bakit sya nagakakaganito. " pag e-explain ko. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Cassian bago guluhin ang buhok nito.
"Ascella! " napatingin ako sa likod ko nang makita ko si Favio. Taas-baba ang dibdib nito na mukhang hinihingal. Agad itong nag lakad papunta saakin at hinawakan ang balikat ko paharap sakanya. Napakunot ang noo ko nang agad nitong suriin ang mga braso ko at buong katawan.
"Ok lang ako, Favio. Si Ate Nez ang nahospital hindi ako. " agad kong sagot ko sakanya bago tulakin ito ng mahina. Tumingin ito saakin at nag tama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagkalma nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/284087576-288-k245437.jpg)
BINABASA MO ANG
Everything in Between
Narrativa generaleEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...