Chapter 35

726 15 0
                                    

Dalawang buwan matapos ang nangyari kay Ate Nez. Nakalabas na ito sa hospital at maayos naman ang baby nito. Bakas sa mukha nito na malungkot pa din ito, hindi pa din nito sinasabi kung ano ang nangyari kay Kylan. Apat buwan na akong buntis at mas marami na ang kinakain ko dahil lagi akong gutom, minsan naman ay kahit madaling araw ay nag c-crave ako, si Favio lagi ang tinatawagan ko kapag may gusto aking kainin.

Kahit ilang beses ko na syang naistorbo sa pagtulog nito o sa mga meeting nito ay hindi pa din nawawala ang excitemmet nito tuwing tatawag ako dahil naglilihi ako. Katulad pa din sya noong unang beses akong naglihi.

Halata na ang umbok sa tiyan ko. Gusto na ni mama na bumili kami ng mga maternity dresses para saaming dalawa ni Ate Nez, maging ito excited dahil dalawa agad ang apo nya, tinuring na nitong anak sina Ate Nez at Cassian.

Nakaupo ako sa sala namin ang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha iyon at nagbabakasakaling si Favio iyon pero hindi. Bumungad saakin ang pangalan ni Angela. Agad ko iyon sinagot.

"Hey! Let's hang out!  Punta tayo sa beach! " yaya nito gamit ang masayang boses. I pressed my lips together. Hindi ko alam kung makakasama ba ako sa beach trip nito.

"Hindi ko sure e. May trabaho kasi ako. " Pag sisinungaling ko. Huling pagkikita namin ni Angela ay noong binuhat ito palabas ni Garrett at hanggang ngayon ay hindi pa din nila alam na buntis ako. Hindi pa sinasabi ni Favio sakanila dahil hinihintay nito na ako mismo ang magsabi. He said that he respect my opinion about have kind of issue.

"Hindi na tayo madalas magkita, Ascella. I miss you and I really want to see you. Nabitin ako sa huling pagkikita natin. "

"Nalasing ka kasi. Ano ba kasi ang nangyari sainyong dalawa ni Garrett. Nag away ba kayo?" hindi ko maiwasang hindi magtaka kung ano ang meron sakanila ni Garrett. Narinig ko ang paghinga nito ng malalim.

"Sasabihin ko sayo kapag sumama ka. Niyaya ko na din si Favio pero sabi nya kapag sumama ka, sasama din sya. " napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Wala pa naman nababanggit si Favio tungkol sa beach trip.

"Pag iisipan ko muna. " sagot ko. Nag paalam na din ito na babalik na sa trabaho. May boutique ng mga gowns si Angela kaya lagi din itong busy. Pumapasok pa din naman ako sa trabaho ko sa bar tuwing gabi pero nag iba na ang shift ko. Hanggang alas dose nalang ako ng hatinggabi.

Kinaumagahan ay nagising JK dahil sa maingay na pag tunog ng cell phone ko. Agad ko iyong sinagot na hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello! " I answered.

"I'm sorry to wake you but we need to walk around. Nabasa ko na mas mapapadali ang panganganak mo kapag nag lalakad-lakad ka. " bumungad saakin ang boses ni Favio.

"Ang aga pa. " I whined.

"Malapit nang sumikat ang araw. Wake up! Susunduin kita sa bahay nyo. " napaungol ako dahil sa pangungulit nito. Tumayo ako at agad nag palit ng damit at nag hilamos. Pag labas ko ng bahay namin ay nag hinintay na si Favio.

Nakangiti ito nang makalapit sakanya. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil doon. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko bago halikan ang noo ko. Parang nawala ang inis ko dahil doon.

"Good morning! " yumuko ito kapantay ang tiyan ko. Hinaplos nito ang tiyan ko. "Good morning, baby. " he greeted our child. He always talk you our child every time we see each other and I think that's the most beautiful thing I saw in my entire life.

I know that Favio will be a great father to our baby.

Pumasok kami sa loob ng kotse nito. Sa park kami ng condo unit nito mag lalakad-lakad dahil malawak doon at hindi masyadong dumadami ang mga tao. Nang makarating kami doon ay agad akong bumaba. May mga puno sa paligid ng park at may playground din para sa nga bata.

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon