Chapter 13

551 12 0
                                    

"Ascella!" napalabas ako ng bahay nang marinig ko ang boses na iyon ni mama. Napakunot ang noo ko nang makita ko itong tumatakbo papasok ng bahay. Agad ko itog sinalubong sa daan, hinila ako nito payakap sakanya, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa pagsigaw nito kanina. 

"Ano pong nangyari?" takang tanong ko sakanya. 

Nang bumitaw ito saakin ay pinunasan agad nito ang mga luhang tumulo sa mga mata nito at ngumiti saakin. Tinaas nito ang isang papel na agad ko namang kinuha at binasa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nakasulat doon. Noong isang linggo ay nag apply ako sa binigay na scholarship para sa mga manggagawa ng mga El Salvador at ngayon ang labas ng resulta. 

"Pasado ako?" gulat na tanong ko. Tuamngo-tango si mama at muli akong niyakap. Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil isa ito sa mga hinihiling ko.  Kinagabihan ay nagluto si mama ng manok na binigay ni Aling Maring nang malaman na pasado ako sa scholarship, niluto iyon ni mama ng adobong manok. 

Kinaumagahan ay agad kaming namili ni mama ng mga gamit ko sa unang araw ng klase, isang buwan na akong huli sa klase pero bibigyan naman daw ako ng chance para makahabol sa ibang activities na hindi ko pa nasasagutan. Sa susunod na linggo ang unang araw ng klase ko kaya hindi na ako makapaghintay. 

Mga notebooke, papel at ballpen ang binili saakin ni mama, ito ang hindi mapakali habang bumibili kami. Sa susunod na linggo ay grade 10 palang ako. Pag uwi namin ay nag presinta na akong magluto ng hapunan namin. Buong gabi ay hindi ako mapakali habang tinitingnan ang mga gamit na nasa loob na ng bag ko. 

Napatingin ako sa kahoy na bintana ng kwarto ko nang marinig ko ang mahinang katok doon. Agad akong nakaramdam ng saya nang maalala ko si Favio, hindi pa din nito alam na nakapasa ako sa binigay na scholarship. Agad kong binuksan ang bintana at agad bumungad saakin si Favio na seryoso ang mukha. He's wearing a black jacket and a jeans. 

"Hi!" mahinang bati ko dahil baka magising si mama. 

"Hi! Libot tayo." he said.

Dahan-dahan akong umakyat sa bintana ng kwarto ko at agad akong inalalayan ni Favio pababa sa kabilang parte nito. Hawak-kamay kaming naglakad papasok sa kotse nito. Habang nasa byahe kami ay niyakap ko ang sarili ko habang sumasabay sa kanta, tumatawa ako habang pinapakinggan si Favio na sumabay sa kanta. The radio is playing Make you mine by PUBLIC. 

Nang makarating kami sa kapatagan ay agad kaming lumabas sa kotse. Napaawang ang labi ko nang saan kami nakarating. Maliwanag ang buong lugar dahil sa ilaw ng kotse ni Favio kaya kitang-kita ko ang buong paligid. White dandelions encircle the entire area. With fireflies fluttering about, it was even more gorgeous.

"Wow!" iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko habang nililibot ang buong tingin sa lugar. Napatingin ako kay Favio nang ilagay nito sa balikat ko ang jacket nito, now he's only wearing a blue simple shirt. 

"Do you like it?" he asked. 

"I love it." I whispered. 

"Good."

Umupo kami sa hood ng kotse nito habang nakatingin sa view na nasa harap namin. Nasa kabilang bayan kami kaya bago sa paningin ko ang buong lugar, hindi ko alam na may field pala ng dandelions dito. 

"Who's your favorite Disney couple?' napatingin ako kay Favio nang itanong niya iyon. I bit my lower lips and shakes my head. Kumunot ang noo nito dahil sa naging sagot ko. 

"You don't love Disney princesses?" he asked me still shocked. 

"Hindi sa ganuon. H-hindi pa kasi ako nakakanood ng Disney movies." napaawang ang labi nito dahil sa sinabi ko. He smiled at me before answering, "Wag kang mag alala, gusto pa din kita kahit hindi ka pa nakakanood ng Disney movie." nang-init ang mukha ko dahil sa sinabi nito. 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon