Chapter 28

694 18 0
                                    

Birthday ngayon ni Meliza kaya naging busy ang lahat sa pag ayos ng venue. Sa pool area ng bahay nina Fabian gaganapin ang birthday party ni Meliza. Anduon silang lahat para mag ayos ng mga balloons. Nang bumaba ako galing sa pagligo sa kwarto ko ay agad akong dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Favio na nakaupo sa bar counter habang hinihipan ang kape nito.

Nang umangat ito ng tingin saakin ay agad nitong binaba ang tasa at tiningnan ako. Hindi na ako muling tumingin sakanya at pumunta sa tapat ng ref para kumuha ng juice. I can still feel his eyes looking at my back.

"Dito ka natulog?" takang tanong ko habang naglalagay ng juice sa baso. Nang humarap ako sakanya ay doon lang ito sumagot.

"Yeah. Do you had a good night sleep last night? " ngumiti ako sakanya dahil sa tanong nito. Tumango ako, "Oo, ngayon lang ulit ako nakatulog ng komportable. " nakangiting sagot ko sakanya.

Napakunot ang noo nito dahil sa naging sagot ko. "Don't you have bed at your place? " he asked me curiously. Napatawa ako dahil sa naging tanong nito.

"Meron pero hindi kasing lambot ng kama sa guest room nina Titania. " sagot ko. Dahan-dahan itong tumango dahil sa sinabi ko at uminom ng kape.

After that interaction with Fabio, I went outside with Titania to buy some food for the party later, bumili na din ako ng regalo ko para kay Meliza. Nang huminto kami sa palengke ay agad kong nilibot ang paningin ko. Malaki ang naging pag babago ng plaza kaysa sa huli kong punta dito. Mukhang maganda ang nagawa ni Don Miguel sa bayan na ito.

Nagsimula kaming mamili nina Titania na nga ingredients para sa lulutuin mamaya. Ang gusto kasi ng mama ni Titania ay sya ang magluto para sa handa ng apo nito pero ang gusto naman ng mama ni Fabian ay mag pa catter nalang. Kaya ang ginawa nila Fabian at Titania ay ipaghati ang handa, sa dessert ay naka catter habang ang ibang handa naman ay lulutuin ng mama ni Titania.

"Ascella?! " napatingin ako sa isang pwesto sa plaza nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Aling Maring. Agad akong lumapit sakanya.

"Magandang umaga po, Aling Maring. Long time no see po. " magalang na bati ko sakanya. Ngumiti ito saakin  bago hawakan ang kamay ko.

"Napakaganda mo na,Ascella! Hindi ko inaasahan ang pag balik nyo sa bayan natin, lalo na't pagkatapos ng nangyari sa mama mo. Kasama mo ba sya? " tanong nito saakin  habang tumitingin sa likod ko kung may kasama ba ako.

Ngumiti ako sakanya bago umiling. "Hindi ko po kasama si mama, Aling Maring. " sagot ko. Tipid itong ngumiti saakin bago dahan-dahan na tumango.

"Aling Maring! " napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses na iyon. Papalapit saamin si Favio habang nakasuot ng isang simpleng blue na t-shirt. Seryoso ang mukha nito habang papalapit saamin. Ngumiti si Aling Maring kay Favio.

"Mabuti naman at nag kabalikan na kayong dalawa. " namula ang mukha ko dahil sa sinabing iyon ni Aling Maring. Narinig ko ang pagtikhim ni Favio sa likod ko na mukhang nabigla din dahil sa sinabi ni Aling Maring.

"H-hin-"

Bago ko pa matuloy ang sasabibin ko ay agad nang nagsalita si Favio. Nilagay nito ang kamay sa bewang ko at hinila ako palapit sa katawan nya. Mas nahiya ako dahil sa ginawa nito.

"Syempre naman, Aling Maring. Hindi ko naman hahayaan na hindi mapasaakin si Ascella. Mahal na Mahal ko ito e. " may kirot akong naramdaman sa dibdib ko nang marinig kong sabihin nya ang mga huling salitang iyon. Nang makita ko ang reaksiyon ni Aling Maring na mukhang kinikilig ito ay hindi na ako nag salita pa.

Palihim akong lumayo kay Favio at mukhang napansin din nito ang ginawa ko dahil hindi na ito nag pilit pang ilagay ulit ang kamay sa breath ko. Nag paalam kami kay Aling Maring na aalis na kami dahil tapos nang mamili sina Titania. Habang nag lalakad kami papuntang kotse ni Titania ay humarap ako kay Favio.

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon