Chapter 31

704 22 1
                                    

Isang buwan ang nakalipas simula nang makabalik ako sa Manila, isang buwan ko na ding hindi nakikita si Favio. Pumapasok pa din ako sa bar ni Philip, madalas kong makita sina Garrett at Angela doon at madalas ako ang nag se-serve ng inumin nila, kasama nila lagi ang mga pinsan ni Favio. Minsan ay hinahanap ko si Favio sa grupo nila pero ni isang beses ay hindi ko ito nakita. 

Ngayong gabi ay andito ulit sina Angela at ako ang ma se-serve ng drinks nila. Nang makalapit ako sa table nila ay agad akong niyakap ni Angela. Nilibot ko ulit ang mga mata ko sa table nila pero wala si Favio.

"Wala si Favio. may business trip sya sa London." napatingin ako kay Harriette nang sabihin niya iyon. Tipid akong ngumiti sakanya. "Pero hindi pa din tayo bati dahil sa ginawa mo sa main character ng story mo." bakas sa boses nito ang pagtatampo. Palihim akong ngumiti at napailing nalang. Nang bumalik ako sa bar counter ay marami pa akong binigyan ng mga alak. 

Matapos ang shift namin ni Ate Nez ay nakisakay ulit ako sakanila ni Kylan. Tahimik silang dalawa. I pressed my lips together. Madalas sweet sila sa isa't isa kapag nasa loob na kami ng kotse. Mukhang nag away silang dalawa dahil bago ako sumakay sa kotse kanina ay naririnig ko ang boses ni Ate Nez na mukhang nag aaway sila ni Kylan. Humarap nalang ako sa bintana. 

Nang makarating kami sa bahay ay naunang lumabas ng kotse si Ate Nez at pabagsak na sinara sa pinto ng kotse. Nagkatinginan kai ni Kylan. 

"Look after her, tell her I lover her." he said. Tumango ako at pumasok sa loob ng kwarto ko para maglinis ng katawan. Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong pumasok sa kwarto ni Ate Nez. Naririnig ko ang mga hikbi nito habang natatakpan ng kumot ang buong katawan nito. Umupo ako sa kama nito. 

"Sabi ni Kylan bantayan daw kita." pagsisismula ko. I heard her sob."Gago sya!" umiiyak na sabi nito. Napangiti ako. "Sabi din niya na sabihin ko sayo na mahal ka niya." lumakas anng iyak nito at tinggal ang kumot sa mukha niya. Humiga ako sa tabi nito at niyakap ito. Humihikbi pa din ito. 

"Ayaw niya akong ipakilala sa parents nya." pag kukuwento nito. "Ilang taon na kami pero hanggang ngayon ay sa picture ko lang nakita ang mga magulang nito." umiiyak na sabi nito. 

"Hindi ko tuloy alam kung mahal talaga ko nito o baka nahihiya itong ipakilala ako dahil sa trabaho ko." hinaplos ko ang buhok nito. "Baka nag hahanap ng tama panahon si Kylan. Malay mo may balak naman talaga syang ipakilala ka sa parents nya. Mahal ka niya Ate Nez, nakita ko kung paano siya maghintay sayo simula alas otso ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw." sagot ko.

Humarap ito saakin. "Talaga?" tumango ako sakanya. Niayakap ako nito at doon na ako pinatulog sa kwarto niya. Magkatabi kami sa kama hanggang sa nakatulog na kami. Nagising ako kinaumagahan na naririnig si Ate Nez na nagsusuka kaya agad akong pumunta sa banyo para tingnan ito. Nakaupo ito sa tiles ng cr habang sumusuko sa bowl. Hinawakan ko ang buhok nito. 

Napahawak ako sa bibig ko at agad pumuntasa lababo at nagsuka din. Agad kong hinugasan ang bibig ko, hindi naman ako madaling masuka. Agad akong nag hilamos ng mukha. Napatingin ako kay Ate Nez na mukhang okay na din. Humarap ito saakin. 

"Bakit ka nagsuka? May kinain ka ba?" tanong ko agad. 

Umiling ito. "Ilang araw na akong nagsusuka ng hindi ko alam ang dahilan." sagot nito. 

Nanliit ang mga mata ko. "Buntis ka ba?" gulat na tanong ko. Maging ito ay nagulat sa tanong ko at sunod-sunod na umiling. 

"Huwag mo ipasa saakin ang kagagahan mo noong huling buwan. Hindi ako buntis! Ikaw bakit ka nagsuka?" umiling ako sakanya. 

"Weh? Buntis ka?" nanlaki din ang mata ko. "Hindi noh!" sagot ko. 

Nagpasahan kami ng tanong kung sino saamin ang buntis hanggang sa lumabas nalang ako ng kwarto nito at pumunta sa sarili kong kwarto para maligo. Day off naming dalawa ngayon. Nang lumaba sako sa kwarto ay naamoy ko agad ang amoy ng bawang sa sinangag ni mama.Parang may humahalukay sa tiyan ko at agad akong tumkbo papunta sa lababo at agad nagsuka. Napatingin ako kay Ate Nez na tumatakbo din papunta sa pwesto ko at nagsusuka din.

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon