Chapter 26

706 18 0
                                    

Masakit ang ulo ko nang magising ako. Naging malabo na saakin kung ano ang nangyari kagabi. Ang tanging alaala ko kagabi na malinaw pa ay nag hihintay ako ng masasakyang taxi pauwi. Agad akong napabangon sa pag kakahiga at nilibot ang buong mga mata sa kwarto kung nasaan ako. Bigla akong kinabahan nang makita kong hindi pamilyar ang lugar na ito at mukhang mayaman ang nag mamay-ari. Agad akong tumayo at hinanap ang bag na dala ko, kailangan kong makaalis agad bago dumating ang kung sinuman na nagdala saakin dito. 

Nang mahanap ko na ang bag ko ay agad kong hinawakan ang door knob nang bigla itong bumukas. Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyon. Seryoso ang mukha nito at medyo magulo ang buhok at mukhang bagong gising lang ito. Namula ang mga mukha ko nang makita kong naka topless lang pala ito. Lumaki ang katawan nito kaysa sa huling nakita ko ito. Nagkaroon ito ng abs at muscles. He looks really manly. 

Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang makita ko ang ngisi sa labi nito. I cleared my throat before backing away. I crossed my arms against my chest and look at him seriously.

"Bakit ako andito? Ikaw ba ang nag utos sa manong driver na iyon na mag spray ng pangpatulog para madala ako dito?" sunod-sunod kong sabi. Nakita ko ang pag bago ng itsura nito, mas dumilim  ang mga mukha nito. I saw his jaw clenched, para bang may nasabi akong hindi niya nagustuhan. Nilampasan lang ako nito at kinuha ang itim na towel nito na nakasabit sa isang upuan doon. 

"Kinakausap kita! Sagutin mo ako!" malakas kong sigaw sakanya. Huminto ito at humarap saakin, bigla akong natakot dahil sa ekspresyon ng mukha nito. Para itong mangangain ng tao. Lumapit ito saakin at agad hinawakan ang mag kabilang balikat ko. Natuod ako dahil sa ginawa nito pero umangat pa din ang tingin ko sakanya. My heart is beating faster while looking at his brown eyes.

"I would never do that kind of stupid thing, Ascella! Hindi ako ang nag utos doon, I was the one who saved you from being raped! Can't you just say thank you for what I did." he said before slowly releasing my shoulder and walking inside his bathroom. Bigla akong nahiya dahil sa sinabi nito, lesson learned" huwag agad mag react hangga't hindi mo pa alam ang buong nangyari. Halos 20 minutes itong nasa loob ng banyo habang ako naman ay hinihintay itong lumabas habang nanatiling nakaupo sa sofa nito. 

Nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo niya ay agad umangat ang tingin ko. Nang-init ang mukha ko nang makita kong naka topless ito habang may towel na nakasabit sa balikat nito. Mukhang sanay ito na gawin iyon pagkatapos maligo. Agad kong inalis sa isip ko iyon at agad binuka ang aking labi para mag salita. 

"I-I'm sorry, nag panic kasi agad ako kaya nasabi ko iyon. Thank na din sa pag ligtas saakin kagabi." nakayukong sabi ko sakanya. Nang hindi ito mag salita ay agad akong tumingin sakanya. Seryoso itong nakatingin saakin, hindi ko tuloy alam kung pinapatawad niya na ba ako o hindi pa. Patuloy akong na guilty nang hindi ako nito pinansin at nag patuloy sa pag bihis. Nakamasid lang ako sakanya habang  binbutones ang kanyang puting long sleeves polo shirt. Kinuha nito sa isang cabinet ang neck tie nito. Nang makita kong hindi maayos ang pag kaka-ayos ng neck tie nito ay agad akong lumapit sakanya at inayos ang neck tie nito. 

Mukhang nagulat ito dahil sa ginawa ko dahilan kung bakit napahinto ako at tumingin sakanya. "May I?" I asked him. He looked away before nodding his head. Pinigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko habang inaayos ang neck tie nito. 

"Done!" I said before stepping backwards and looking at him. Hindi na muli kaming nag usap pag katapos noon. Nabibingi na ako sa katahimikan sa pagitan namin. He looks really manly while wearing a business attire. Hindi ko maiwasang hindi malungkot para kay Favio dahil hindi nito natupad ang pangarap na maging singer, pero may mga bagay talaga sa buhay natin na kahit gaano natin kagusto hindi natin makukuha. 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon