Chapter 9

559 14 0
                                    

Nang makilala ko si Favio ay kakasimul apalang ng summer break nila, nasa kalagitnaan na ng summer break ngayon at ilang weeks nalang ay malapit na ulit magbalik eskwela sina Favio at ang mga kaibigan nito, lalo na si Angela na naging mas close ko nitong summer. Ilang linggo na simula nang manalo ang team nina Favio sa liga sa basketball.

Nasa bukid ako ngayon at tinutulungan sina mama sa pag ani dahil palapit na din ang tag-ulan. Napahinto ako sa pag lagay ng palay nang makita ko ang pamilyar na kotse ni Favio na huminto sa tapat ng bukis. Bumaba doon si Titania na agad ginala ang mga mata sa buong bukid. Kanina lang ay nakita ko si Fabian na nakikipag usap sa mga magsasaka pero nawala ito sa pwesto nito kanina.

Napatayo ako nang maayos nang makita ko si Favio na kumakaway sa pwesto ko. Nang-init ang mukha ko nang maalala ko ang suot kong damit. Agad akong napailing dahil sa naiisp ko. Si Favio lang naman iyan, nakita nya na ikaw kahit anong suot mo at wala naman syang reklamo. Naglakad ako papunta sa pwesto nito at agad kong tinabi ang buhok ko na natanggal sa pagkakatali. Isang malaking ngiti agad ang bumungad saakin nang nasa harap na ako nito.

"Kain na tayp!" sigaw nito. Napailing-iling ako dahil sa sobrang sigla nito. Sabay kaming nag lakad papunta sa kubo kung saan anduon na ang ibang magsasaka para kumain ng tanghalian nila. Ngumiti ako kay Titania na katabi ko sa pagkain. Inabutan ko ito ng plato para sa pagkain.

Mukhang nag away sila ni Fabian dahil tinanong ako nito kung nasaan ito. Pagkatapos kumain ay agad akong niyaya ni Favio na pumunta sa malaking puno ng mangga. Hindi masyadong mainit doon dahil sa puno. Nagiging pahingahan din iyan ng mga magsasaka tuwing sobrang lakas ng sikat ng araw.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sakanya.

"Nakikain at may dala akong ice cream para sa ating dalawa. " nakangiting sbai nito at nilabas sa plastic bag ang isang garapon ng chocolate ice cream. Agad nitong binuksan iyon kasabay ng dalawang plastic spoon na kasabay ng ice cream.

"Mauna ka na kumuha!" sabi nito. Ngumiti ako sakanya bago kumuha ng ice cream. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang maramdaman ko ang malamig na ice cream sa bibig ko. Sunod naman ito na kumuha ng ice cream at katulad ko ay nasarapan din ito.

"Kuha ka lang, baka ma-heat stroke ka mamaya." napatawa ako dahil sa sinabi nito. Umiling-iling ako bago sumubo ulit ng ice cream. Hindi ko inaasahan na naubos namin ang isang tab ng ice cream na kaming dalawa lang ang kumakain, siguro dahil sa sobrang init na din ng panahon.

Pagkatapos naming kumain ay agad din itong nag paalam na aalis na dahil hinahanap na sya sa rancho nila. Nag patuloy na din ako sa trabaho ko hanggang sa lumubog ang araw at sabay kaming umuwi ni mama sa bahay. Wala pang ilaw nang dumating kami sa bahay at mukhang hindi pa din umuuwi si papa. Umupo ako sa lamesa habang tinitingnan si mama na nagluluto ng hapunan namin mamaya.

"Ma, ano po ba talaga ang trabaho ni papa sa rancho ng mga El Salvador?" napatingin saakin si mama nang itanong ko iyon. Bumalik ito sa pag giris ng ingredients bago sumagot sa tanong ko.

"Nag aalaga ng mga kabayo ang papa mo sa rancho at ganuon din ang trabaho ni Cassian." sagot nito.

Ilang segundo akong hindi sumagot sa naging sagot nito saakin. I want to believe what Favio said to me that maybe my father is changing but something inside me tells to not trust anybody especially my father.

"Ma, naniniwala ka ba na may mga taong kayang magbago?" nakita ko ang paghinto ni mama dahil sa naging tanong ko. Siguro ay tumatakbo na din sa isip nito na si papa ang tinutukoy ko. Kung babalik pa ba sila sa dati na maayos at mahal ang isa't isa. I want that too but I stopped hoping for a long time that my father would change.

"May mga taong nagbabago dahil nasaktan sila o dahil iyon ang gusto nila. Nangyayari ang pagbabago sa paglipas ng panahon. Pero habang ang mga tao ay maaraing magbago, hindi lahat nagbabago."

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon