Chapter 36

767 16 0
                                    

Sa sumunod na nga araw ay mas madalas kong kasama si Favio. Nalaman na din nina Garrett at Angela na buntis ako at pareho silang nagulat nang malaman iyon, they're both happy for us. Nang malaman nila na kami na ulit ni Favio ay hindi mapigil ang tili ni Angela.

Nasabi na namin sakanila ang parating na gender reveal namin ni Favio. Nag volunteer na si Angela na maging ninang ng baby namin. Napangiti ako dahil doon. Napatingin ako sa gilid ko nang makita ko si Favio na hindi mapakali sa upuan nya.

Hinawakan ko ang legs nito dahil hindi ito mapakali sa inuupuan nito. Ngayon kami mag papa ultrasound kung ano ang gender ng baby namin pero dahil nga may gender reveal ay hindi muna namin malalaman.

Nakahiga na ako habang nilalagyan ng doktora ang tiyan ko ng malamig na jelly. Nakatingin lang si Favio s monitor habang tinuturo ng doktora ang ibang bahagi ng katawan nito. Napangiti ako dahil doon. Hawak pa din ni Favio ang kamay ko habang nag lalakad kami palabas ng Hospital.

"May nalaman ka na ba tungkol kay Kylan? " takang tanong ko sakanya. He smiled at me sadly before shaking his head.

"I'm sorry but I don't have any idea where he is right now. But I'm still trying to connect to the location of his family. " noong isang linggo ay umalis sa apartment si Ate Nez at iniwan ang apartment kay Cassian. Sabi nito ay uuwi muna ito sa probinsya nila at doon din manganganak. Nalungkot ako dahil aalis ito at hindi ko makikita ang baby nito pero alam ko naman na kapag nanatili sea dito ay maaalala nya lang si Kylan.

Hinaplos ni Favio ang pisngi ko bago halikan ang noo ko. Pumasok na kami sa kotse nito at agad nitong pinaandar ang kotse. Nang huminto kami sa mall ay agad akong bumaba. Hinawakan ni Favio ang kamay ko habang papasok kami sa loob. Bibili kami ngayon ng mga maternity dresses ko. Malaki na ang umbok ng tiyan ko at halatang-halata na buntis na ako.

Madalas na din ang pagsakita mg likod ko at mabuti nalang dahil hindi na ako nagsusuka tuwing umaga. Nang makarating kami sa maternity dresses na section ay agad kaming nag hanap ng bagay saakin. Sa susunod na araw ay gender reveal na namin kaya pupunta kami sa resort nina Titania at Fabian.

Wala kaming ideya kung ano ang magiging pakulo nila pero excited pa din ako.

"This looks good on you " Favio said while holding a royal blue maternity dress. I nodded my head before walking around. Matapos naming bumili ng mga maternity dresses ay naglibot pa kami sa mall. Napahinto ako nang makita ko ang isang crib. Kulay pink iyon  at may nakalagay na maliliit na ribbon sa gilid nito. Napangiti ako habang tinitingnan iyon.

I felt a hard arms wrapped around d my waist and I look t Favio and he's now looking at the crib.

"It's cute!  I'll buy it if our baby is a a girl. " he whispered. I smiled at him before nodding my head.

***

Ngayon ang araw na aalis kami para sa gender reveal. Kasama ko papunta doon sina Cassian at mama. Sasakay kami sa private airplane ng mg El Salvador, madalas nila itong gamitin Japan nag babakasyon sila. Nauna na doon ang mga El Salvador dahil sila ang nag ayos ng venue.

Hawak ni Favio  ang kamay ko habang nasa byahe kami. Hindi ko namalayan na nakarating na kami nang maramdaman ko ang magagaan na halik ni Favio sa labi ko. Sumilay ang ngiti sa labi nito nang magising ako. 

"We're here" he muttered and I nodded my head. Kinuha na nito ang mga gamit namin at sabay kaming lumabas ng eroplano. Habang nag lalakad palabas ng airport ay hindi nito binitawan ang kamay ko. May sumundong kotse saamin papunta sa beach resort nina Titania at Fabian. Nang makarating kami sa resort ay agad kaming bumaba sa kotse. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang ganda ng buong lugar, mas maganda ito kaysa sa pinuntahan namin noon. May mga nakapaligid na puno ng niyog at pinong-pino ang buhangin. May mga nakalagay na sun lounger sa harap ng dalampasigan, at may mga halaman sa gilid ng restaurant, pinaghalong kulay blue at puti ang kulay ng buong lugar. 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon