"Ascella! " agad akong bumangon nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ate Nez. Agad itong umupo sa kama ko at hinawakan ang kamay ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nito.
"Anong nangyari? May nangyari ba kay mama? " sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti ito saakin bago ako hilahin para yakapin.
"Happy Birthday, Ascella! Bente singko ka na, kailan ka mag aasawa? " napailing nalang ako dahil naging tanong ni Ate Nez. Ngumiti ako sakanya bago sagutin ito.
"Wala pa akong balak, Ate Nez. Hindi pa ako successful kaya hindi pa ako mag aasawa. " nakangiting sagot ko sakanya. "Salamat sa pag greet! " nakangiting sabi ko. Pinisil nito ang pisngi ko.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at niluwa si mama at Cassian na may dalang maliit na cake. May kandila iyon sa ibabaw at may sindi din. Nagsimulang kumanta sina Ate Nez habang pumapalakpak naman si Cassian. Ngumiti ako sakanila habang sinasabayan ang pag palakpak.
Lumapit saakin si mama na dala ang cake at agad ngumiti saakin. "Happy Birthday, nak. Humiling ka muna bago mo hipan ang kandila. " ngumiti ako sakanya bago ipikit ang mga mata at nag simulang humiling.
Ang hiling ko lang naman ay tuloy-tuloy na ang pag balik ni mama si dati at good health para saaming lahat. Nang hipan ko ang kandila ay muli silang pumalakpak.
"Mag ayos ka na at gagala tayo sa Mall ngayong araw. Libre daw ni Cassian dahil kakasuweldo nya lang kahapon. " napatingin ako kay Cassian na ngayon ay malawak ang ngiti.
"Tumayo ka na dyan. Minsan lang manlibre si Cassian kaya lubos-lubusin na natin. " sagot pa ni Ate Nez. Naligo ako pagkalabas nila ng kwarto. Tanging isang simpleng jeans at pink na t-shirt ang suot ko. Nilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay din ako ng light makeup sa mukha ko sya hindi ako mag mukhang puyat mula sa trabaho ko kagabi.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko silang nag hihintay saakin. Sabay-sabag kaming sumakay ng jeep papunta sa mall kung saan kami kakain. Nang makarating kami ay nag libot muna kami dahil maaga pa naman para sa tanghalian.
Huminto kami sa bilihan ng make up at nag window shopping lang. Wala naman kasi along pera pambili ng make up at maayos pa naman ang mga make up na ginagamit ko, hindi pa naman sila expire. Napatingin ako sa sagot isang lipstick doon. Sobrang ganda ng shade nito. Nang tingnan ko ang presyo ay nanlaki na ang mga mata ko at dahan-dahan iyong binalik sa lalagyan.
Matapos naming mag libot ay kumain na kami. Sa jollibee kami kumain dahil tuwing birthday ko lang kami nakakapasok dito. Alam din nila na paborito ko ang Jollibee kaya dito kami madalas mag celebrate. Fried chicken at sundae ang order ko pero may mga dinagdag pa silang ibang pagkain. Sabay-sabay kaming kumain nang kumpleto na ang lahat ng pagkain.
"Tinanong ko kanina si Ascella kung kailan sya mag aasawa sabi nya wala daw iyon sa isip nya. " natatawang kuwento ni Ate Nez.
"Ikaw ba, Ate Nez? Kailan ka mag aasawa? " pagbabalik ko sakanya ng tanong. Ngumiti ito saakin bago ituro ang fries na hawak nito sa mukha ko.
"Reverse uno card ka, huh! Well, kung ako naman ang tatanungin gusto ko nang mag pakasal pero hindi pa ready si Kylan. " bakas sa boses nito ang pag kalungkot nang sabihin iyon. Hinawakan ko ang kamay nito.
"Baka may plano na din si Kylan. Baliw na baliw 'yon sayo e. " pag bibiro ko. Ngumiti ito at nag flip hair pa. Nagpatuloy kami sa pagkain. Matapos naming kumain ay umuwi na din kami kaagad sa bahay dahil may trabaho pa kami mamaya at kailangan din naming matulog.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok doon at niluwa si mama. Ngumiti ito saakin bago pumasok sa loob at tumabi saakin sa kama
Nag aayos na ako para sa trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
General FictionEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...