Sumunod na araw ay nanatiling naka stay si mama sa hospital. Lagi itong nakatulala sa pader at umiiyak. Sa tinfin ko ay malaki ang naging epekto sakanya ng nangyari sakanya.
Bali-balita ang nangyari kay mama, at ang pagkakulong ni papa. Hindi na ako pumasok sa school dahil alam ko naman ay pag uusapan lang naman nila ako. Ilang buntong hininga ang ginawa ko habang papasok ako ng presinto. Hindi ko alam kung bakit pa ako pumunta dito, pero sabi ni Cassian ay kailangan ko daw sabihan ang papa ko.
Nanatili akong nakaupo habang hinihintay na lumabas si papa. Umangat ang tingin ko ng marinig ko ang pag bukas ng pinto. Nakaorange na damit si papa habang may posas ang mga kamay.
Nabg makaupo na ito sa harap ko ay tumikhim ako.
"Kamusta po kayo dito?" Pag sisimula ko. Bakas pa mukha nito ang pag payat.
"May dala po pala akong pwede nyong kainin. May delata din po ditokapag ayaw nyo ng ulam dito. May biscuit po at gatas. " sunod-sunod na sabi ko. Napahinto alo sa pag labas ng mga dala ko nang hawakan nito ang kamay ko. Napaangat ako ng tingin sakanya.
"Ang mama mo? " Takang tanong nito.
Tumikhim muna ako bago sagutin ito. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan iyon. "S-si mama po ay nasa hospital ngayon. N-na rape sya, papa" umiiyak na sabi ko sakanya. Nakita ko ang gulat sa mukha nya at ang sunod-sunod na pag tulo ng luha sa mga mata nito.
"Y-yung mga pinakakautangan nyo po ang may gawa. Nanatili po sa hospital si mama dahil nagwawala po ito tuwing nakikita ang bahay natin." sagot ko.
Tumango ito habang pinupunasan ang mga luha. "Pasensiya na, Ascella. Kasalanan ko -" agad akong umiling sa sinabi nito.
"Wala pong may kasalanan. Huwag nyo po sisihin ang sarili nyo. Tapos na po. " sagot ko.
Hinawakan ko ang kamay nito at marahang pinisil iyon. "Andito po ako para sabihin sainyo na aalis na po kami sa bayan natin. Niyaya po kami ni Cassian na pumunta sa Manila. Mag t-trabaho po ako doon at ipapa psychiatrist din po si Mama. " Pag ku-kwento ko sakanya.
"Saan naman kayo tutuloy doon? "
"Huwag po kayong mag alala dahil may kapatid daw po si Cassian doon na pwede naming tirahan. " sagot ko sakanya.
Tumango ito. Agad naman akong nag paalam na aalis na dahil ang iimpake pa ako ng mga gamit namin ni mama. Nasabi ko na din na ipapabenta namin ang bahay.
"Advance Merry Christmas po. " nakangiting sabi ko sakanya bago yakapin ito ng mahigpit. Nag papasalamat pa din ako sakanya fail kahit hindi ako nito totoong anak ay tinanggap pa din ako nito sa bahay nya. Ang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay agad akong pumasok sa loob. Nilagay ko sa maleta ang mga damit na dadalhin namin. Bukas ng madaling araw ay aalis kaagad kami nina Cassian.
Napatingin ako sa laptop na nasa ibabaw ng kama ko. Agad ko iyon nilagay sa side table ng kama ko. Hindi naman iyan saakin kaya iiwan ko nalang dyan.
Nang matapos akong mag impake ay agad akong sumakay sa tricycle para puntahan si mama. Lumapit ako sa kama nito at agad hinawakan ang kamay nito.
"Ma, aalis na tayo bukas. " napatingin ito saakin pero blangko pa din ang ekspresyon ng mukha nito. Nang hindi ito sumagot ay tanging ngiti lang ang binigay ko. Natulog ako sa kama na kwarto ni mama sa hospital. Mabuti nalang talaga at malaking tulong saamin si Cassian dahil nag ambag din ito sa mga gastos namin sa hospital.
Kinaumgahan ay kasama ko si Cassian na kunin ang mga gamit namin ni mama. Tanging mga damit lang ang dala namin dahil makikitira lang naman kami at ang ibang gamit namin ay pinabenta namin.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
General FictionEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...