Sa araw na din na iyon ay nasabi saakin ni papa ang tungkol sa sakit nito. Ayaw nitong mag pagamot dahil mamamatay lang naman daw sya bakit hindi daw ngayon na. Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa sinabi nito.
Nang dumating ang gabi ay sa dating kwarto ko ako natulog. Sunod-sunod na bumalik ang mga alaala ko sa kwartong ito noon. Maayos pa din ang kama ko at may mga unan pa din doon.
Kinaumagahan ay ako na ang namalengke saamin. Namiss ko din kasing mamalengke dahil noon ay Ali ang madalas bumili ng uulamin namin ni mama noong nakatira pa kami dito. Isda ang naisip kong uulamin namin ngayon. Bumili din ako ng mga prutas para kay papa. Matapos kong mamili ay agad akong umuwi sa bahay namin at nagluto.
Nang dumating ang tanghalian ay tinawag ko na si papa para sabay kaming kumain.
"Ascella, alam ko kung ano ang nangyari sainyo noon ni Favio. " napahinto ako dahil sa sinabi nito. Agad akong umangat ng tingin sakanya. Seryoso ang mukha nito. I pressed my lips together. Humigpit ang hawakan ko sa kutsara at tinidor. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay na pag usapan ang nangyari noon.
"Natatandaan mo ba noong binalaan kita tungkol sa mga El Salvador? " Dahan-dahan akong tumango. "Narinig ko ang pag uusap noon ni Donya Asuncion at ang anak nito na si Sir Miguel, nasabi sa usapan nila ang nakatakdang pag papakasal ni Favio sa anak na babae ng mga Guadalupe. " sunod-sunod na bumalik saakin ang mga sinabi noon ni papa tungkol sa tradisyon ng mga El Salvador at sa pag takbo ni Don Miguel sa politika.
"Pasensiya ka na, anak, kung hindi ko diretsahang inamin sayo. " tipid akong ngumiti sakanya bago sumagot.
"Ok lang po. Tapos na din po ang lahat kaya wala na tayong magagawa. " sagot ko sakanya. Nag patuloy kami sa pagkain pero ngayon ay hindi na muling nagtanong o nagsalita si papa. Marami ulit tanong ang tumatakbo sa isipan ko. Kung sinabi ba ni papa noon ang nalalaman nya makakarating pa ba kami sa posisyon na ito ng bahay namin? Sa tingin ko ay kung ako pa ang eighteen years old na Ascella ay hindi ko din paniniwalaan si papa dahil sa mga ginawa nito.Nang dumating ang hapon ay naisipan na kong labahan ang mga damit ko para sa pag uwi ko sa susunod na araw. Pumunta ako sa ilog dala ang batya at ang mga maduduming damit ko. Parehong pareho pa din ito sa dating ilog kung saan madalas akong mag laba noon. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko na dito din pala naging kami ni Favio. Inalis ko iyon sa isipan ko at nagsimula na sabi paglaba.
Nang matapos kong maglaba ay agad kong sinampay ang basang damit sa harap ng bahay namin. Nag paalam ako kay papa na mamamasyal ako, susulitin ko ang mga natitirang araw ko dito dahil hindi ako sigurado kung kailan ulit ako makakabalik dito. May balak naman akong bumalik para bisitahin si papa pero kailangan ko ulit mag ipon para sa pamasahe ko.
Napahinto ako sa tapat ng bukid. Napangiti ako nang maalala ko ang kahabaan ko noon. Noong nga panahon na ako ang nagdadala ng pagkain ni mama. Napatingin ako sa may pahingahan ng mga magsasaka nang may tumawag sa pangalan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Aling Nene at Mang Isko, isa sila sa mga naging katrabaho nina mama noong andito pa kami nakatira. Agad akong lumapit sa kubo kung saan sila nag papahinga. Agad akong niyakap ni Aling Nene.
"Kay tagal nyong nawala ng mama mo. Kasama mo ba sya sa pagbalik mo?" tanong agad ni Aling Nene. Tipid ako sakanyang umiling, nakita ko ang paglungkot ng mga mata nito dahil sa naging sagot ko.
"Nabalitaan ko ang nangyari sa bahay nyo noon at sa mama mo. Ikinalulungkot ko iyon. " marahang sabi nito bago pisilin ang kamay ko.
"Okay na po si mama, hindi ko po sinabi sakanya ang pagpunta ko dito dahil pumunta lang naman ako dito para bisitahin si papa." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Everything in Between
Ficção GeralEl Salvador #2: For Ascella her mother is the most important person in this world. Growing up she saw how her father hit her mother, she will hear her mother cries every night. But that summer of 2013 changes everything. Will that change last for a...