Chapter 32

735 20 0
                                    

Nang makauwi ako sa apartment ni Ate Nez ay agad akong sinalubong ni Cassian, wala ngayon sa bahay si mama dahil nakahanp daw ito kahapon ng trabaho, hindi ko nga alam kung saan ang trabaho nito pero nag text naman sya saakin kanina na kaya niya naman ang sarili niya. 

"Ascella! Nabalitaan ko ang nangyari sayo!" salubong saakin ni Cassian. Ngumiti ako sakanya bago umupo sa sofa. nang makarating si Ate Nez sa Hospital ay nag aayos na kami ni Favio ng mga gamit namin, sya na din ang nag bayad ng mga bill ko sa Hospital. Nang magising kami kaninang umaga ay hindi ako nito kinulit tungkol sa sinabi nitong paglipat ko sa bahay nito. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na alam na ni Favio na buntis ako. 

"Ok ka na ba, Ascella? Dapat hindi ka muna pumasok mamaya." sagot ni Cassian at may pag alala sa boses nito. Umiling ako sakanya bago tumingin kay ate Nez. Wala pa ding alam sina mama at Cassian sa pagbubuntis ko at maging ang kay Ate Nez. 

"Kaya ko na mag trabaho, Cas. Tsaka sa gutom lang kaya ako nahimatay kahapon." sagot ko sakanya. Nagpupumilit pa itong huwag akong pumasok pero wala naman itong nagawa dahil papasok pa din ako. Hindi pa naman malaki ang tiyan ko kaya pwede pa akong pumasok sa bar. Hindi lang ako mag bubuhat ng mabibigat at siguro hindi magpapalipas ng gutom, lalo na ngayon na dalawa na kaming kakain. 

Nakahiga ako sa kama ko nang may kumatok sa pinto ko at bumukas iyon at iniluwa si Ate Nez, umupo ako mula sa pagkakahiga. Tumabi ito saakin at niyakap ang isang unan ko. 

"Mukhang alam na ni Favio na buntis ka? Anong sinabi niya noong nalaman niya?" takang tanong nito saakin. Huminga ako nang malalim. 

"Niyaya nya akong tumira sa bahay niya." nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko. Umusog ito papunta sa tabi ko at mukhang nag aabang ng susunod kong iku-kuwento. 

"Sigurado naman ako na may bahay si Favio, sa yaman ba naman ng pamilya nya ay wala syang bahay o condo." sagot ni Ate Nez. "Anong sinabi mo noong niyaya ka?"

Umiling ako. "Hindi ako pumayag. Syempre inisip ko muna kung ano ang kalagayan ng pamilya namin, lalo na nagkaroon kami ng sagutan ng lola niya noong umuwi ako sa probinsya namin." mahinang sagot ko. Hinaplos nito ang likod ko dahilan kung bakit ako napatingin sakanya. 

"Ikaw? Nasabi mo na ba kay Kylan?" balik ko sakanya ng tanong. Mas lumungkot ang mukha nito at dahan-dahan na umiling. 

"Wala si Kylan dito sa Pilipinas ngayon. Ilang araw na akong nag me-message sakanya pero ni isa ay hindi ito nag reply." bakas sa boses nito ang lungkot. Nilagay ko ang kmay ko sa balikat nito at marahang niyakap. Mahina nitong hinampas ang balikat ko at pilit na ngumiti. 

"Ano ka ba? Babalik din naman si Kylan. May tiwala ako doon" sagot nito at ngumiti ulit saakin. May iba sa paraan ng pag ngiti nito saakin pero hindi ko iyon pinansin dahil baka mas maging malungkot pa ito. Tumayo ito at nag paalam na aalis na sya para makapag pahinga ako. 

Kinagabihan ay agad akong nag ayos para sa trabaho ko. Napatingin ako sa salamin at hindi ko maiwasang hindi haplusin ang tiyan ko. Simula nang malaman kong buntis ako ay naging libangan ko na ang haplusin ito. Nang marinig ko ang boses ni Ate Nez sa labas na tinatawag ang pangalan ko ay agad akong lumabas ng kwarto ko. Sumakay kami ng taxi papunta sa The Haven. Nang makarating kami doon ay wala pang tao, kaya nag bihis muna kami ng uniform namin. 

Tinali ko sa ponytail ang buhok ko, mas humahaba na ito kaysa noon na hanggang balikat ko lang. Paglabas ko ng staff room ay agad akong sinalubong ni Vicky. 

"May naghahanap saiyong gwapong lalaki sa labas." agad kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Hindi na ito nag hintay ng sagot at agad pumasok sa staff room. Lumabas ako at agad hinanap ang sinasabing gwapong lalaki ni Vicky. Napahinto ang mga mata ko sa bar counter. Umiinom ito habang nakikipag usap kay Ate Nez. Agad akong lumapit sa pwesto nila. Nang makita ako ni ate Nez ay agad itong ngumiti pero may malisya na halo ang ngiti nito. 

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon