Chapter 20

662 13 0
                                    

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong nilibot any paningin ko sa buong bahay. Nag hindi ko nakita si mama ay pumasok na ako sa kwarto ko para mag ayos. Mamayangt tanghali nalang ako pagpasok sat school. Mukhang nasa trabaho na si mama.

Pag dating ko sa school ay lunch break palang pero tapos na akong kumain sa bahay. Naisipan kong pumunta muna sa library para mag advance reading sa lesson mamaya. Nasa gitna na ako ng pag babasa nang may tumabi saakin.

"Cassian! " tawag ko sa pangalan nito. Seryoso itong nakatingin saakin. Bumalik sa alaala ko ang sinabi ni Favio na gusto ako ni Cassian.

"Hi! " bati ko ulit.

"May gusto sana akong sabihin, Ascella." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. I pressed my lips together.

"Ano 'yon? " takang taking ko.

"Nabalitaan mo ba ang nangyari sa magulang ni Titania? " dahan-dahan akong tumango sa sinabi nito. " Umalis na sila sa bayan natin at usap-uusapan sa rancho na si Donya Asuncion daw any may dahilan kung bakit sila umalis kaya ngayon ay hindi umuuwi si Fabian El Salvador dahil hinahanap nito sa Manila si Titania. " Pag ku-kuwento nito.

"Ano bang gusto mong sabihin saakin,  Cassian? " diretsong taking ko. Dahil hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi nya ito saakin.

He licked his lower lip. "Makipag hiwalay ka kay Favio. " Napaawang an labi ko dahil sa sinabi nito. Kumurap-kurap ako at umiling. "H-Hindi ko maintindiahn ang ibig mong sabihin. " sagot ko sakanya.

Hinawakan nito ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. "Layuan mo sya, Ascella. Habang maaga pa itigil mo na ito. Alam ko naman na nasabihan ka na ng papa mo tungkol sa  mga El Salvador. " bumulis ang push ko nang banggitin nya nag pangalan nya si papa.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito sinasabi saakin  pero hindi ko hihiwalayan si Favup dahil lang sinabi mo at ni papa. " sagot ko nalang habang pinipigilan ang boses na lumakas.

Huminga ito ng malalim. Tinanggal ko ang pag kakahawak nito sa kamay ko. "Ascella, this is for your own good. " sagot nito bago iwan ako sa library. Hanggang sa mag simula ang klase namin ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Cassian sa library. Napatingin ako sa upuan ni Cassian pero hindi ito dumating ngayon.

Nag matapos ang klase ko ay nakatanggap ako ng text message mula kay Favio na hindi muna ako nito masusundo. Sumakay ako sa tricycle pauwi sa bahay namin. Nagluto ako pagdating ng hapunan namin ni mama. Pagdating nito ay sabay kaming kumain

"May speach sa sabado si Don Miguel para sa plataporma nito sa darating na eleksyon. " napatingin ako kay mama nang sabihin nya iyon.

Nang matapos kaming kumain ay agad akong tumaas ng kwarto ko para gumawa ng assignment. Nang buksan ko ang cellphone ko at alas diyes na ng gabi. Huminga ako ng malalim nang wala akong nakita na message o missed call mula kay Favio.

Sa mga sumunod na araw ay mas naging busy si Favio dahil sa darating na sabado. Hindi ko inaakala na sobrang bilis lang ng panahon at makamit nanamang matapos ang buwan ng November. Malapit na ang pasko at ito ang unang pasko ko na kasama si Favio at hindi na ako makapag hintay.

Nang sunduin ako ni Favio sa school ay hjndi ito sa waiting shed na kung San sya madalas nakapark kundi sa medyo malayong tindahan mula sa school  namin. Nang makasakay ako sa kotse nito ay agad akong humalik sa pisngi nito.

"How's your day? " ako na mismo ang nag tanong nun nang mag simula itong mag drive. Tahimik ito habang nasa byahe kami at hindi masyadong kumikibo. Saglit itong tumingin saakin bago ibalik ang tingin sa daan.

"Good!  How about you?" takang tanong nito. Nag simula akong mag kuwento sakanya tungkol sa mga nangyari sa mga araw na hindi kami nag kita, he patiently listen to me and will react if I said something funny. I really appreciate those small things.

Everything in BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon